'AKO NAMAN'

1 0 0
                                    

Alam ko pagod kana sa trabaho
Pinipilit molang,
Kahit hindi mo sabihin
akin itong ramdam.

'Umaraw man oh umulan
Hindi ka lumiliban,
Sa trabaho mong napakahirap
Araw- araw kang lumalaban.

kase alam mong mahalaga satin ang salapi' dahil madami tayong panga-ngay langan at madami tayong bayarin, at kahit mahirap tayo,

'sakapwa nakakapag bigay kaparin.'

Pag sumasahod ka kaagad ako ay may pasalubong, kumakain din tayo sa masarap na kainan sa labas. Masaya ako kapag nakikita kitang Naka-ngiti
Kaya nga lahat ginagawa ko din para lang makabawi.

Wala akong trabaho sa ngayon, at hindi ko din alam sa sarili ko bakit ganoon.

Sinusubukan ko naman mag hanap
kaso lagi lang akong bumabagsak.
Pagod Kana, Pagod nadin ako 
Gusto kitang tulungan pero bigo ako.

Alam kong hindi sapat ang paglilinis, pag huhugas ng plato sa bahay.
kelangan kodin kaseng kumita  para saating dalawa.

Kaya nahihiya ako.

Hindi sayo.!

kundi sa sarili ko.

Wala kase akong magawa at nakakapagod nadin humilata, at mag hintay sa pag-uwi mo' hindi ako sanay sa gawain ng isang tambay.

Tambay na walang magawa sa buhay
Kundi ang umasa, umasa sa bigay ng magulang kapag nagigipit.,
sasabihin mo hindi na mauulit.

Huli na to ina' hindi na ako hihingi ulit. Mga salitang dumudurog sakin kapag ako ay nagigipit.

Tama na!

Seseryosohin kona sa susunod  ang pagharap sa Panayam para pumasa na ako.!

Gusto ko ako naman.

ako naman ang kumilos at ikaw muna mag pahinga, Kase alam kong pagod kana.

-----------------BABAWI AKO---------------------

PANULAAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon