Kabanata 13: Ang Pagbangon

10K 540 202
                                    

Gusto kong bumalik sa pagtulog, pero nataasan na 'ko ng araw, hindi talaga ako nakabalik sa pagpikit.

Pinagnilayan ko talaga ang buhay ko matapos ang nangyari kasi, pota talaga. Kung tulog, tulog lang! Bakit napunta pa sa kung saan yung tulog lang dapat?

Crush ko si Alyna, kaya kong aminin sa kanya 'to nang harapan. Pero kasi, based on experience na lang din kay Gen, madalas, nakakabuwisit magkasyota. Si Gen, kaya ko pang i-handle. Si Alyna, hindi e. Hindi ko rin makita ang sarili kong syosyotain siya.

Una, siya ang nagpapasahod sa 'kin. Kung magkaproblema kami, e baka i-hold niya ang sahod ko. Baka pulutin ako sa kangkungan e may bata akong palalakihin pa.

Pangalawa, high maintenance siya. Si Gen, masaya na sa tuyo saka betamax. E kung humiling ng caviar saka lobster 'tong si Lyn, e di, lalo akong pinulot nito sa kangkungan.

Pangatlo, ang yaman niya. Paano kung malaman ng mga magulang niya na sumasama siya sa mga gaya ko lang? Baka bigla akong ma-salvage nang di-oras nito, kawawa naman si Chamee.

Higit sa lahat, crush ko lang siya. Hindi ko naman siya mahal o ano. Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong maibigay sa kanya dahil sa mga naunang dahilan ko.

Wala pang alas-sais, bumili na agad ako ng almusal sa labas. Nausisa agad ni Kuya Bundoy na wala akong ibang kasama.

"Tulog pa ba si Chamee?" sabi niya habang bumibili ako ng pandesal saka Milo.

"Tulog pa, Kuya."

"Hindi ba delikado, iniwan mo d'on?"

Ang bigat ng buntonghininga ko at hindi na lang sumagot. Kaysa naman sabihin kong "Okay lang, Kuya, may kasama naman siya sa unit." E di, lalo akong na-hot seat nito.

"Ayos lang naman. Kuya. Tulog pa naman e."

Sanay kasi sila sa labasan na kapag may binibili ako, karga-karga ko si Chamee kahit natutulog pa. Hindi ko kasi maiwan sa bahay, baka biglang gumapang sa kung saan, maaksidente pa.

Pagbalik ko sa unit, wala na si Alyna sa higaan. Nakaligpit na rin ang kumot saka unan na iniwan ko roong hindi nakaayos. Bukas na rin ang ilaw at nakaharang na yung hotdog pillow kay Chamee.

Hindi ko naman first time na may naka-sex na babae. 'King ina, noong college kami ni Pol, sa dalas ko sa inuman, imposibleng walang make-out session doon e. Masolo mo lang sa sulok, talo-talo na kayo.

Pero kasi naman, hindi na 'ko college student. May inaalagaan na 'kong baby. 'Tapos yung babae pa, hindi lang basta nakainuman ko ng Empi sa iisang mesa.

Si Alyna Guilherme Celizana 'to, p're. Kayang-kayang durugin ng pamilya nito buong buhay ko, p're. Yung tatay nito, politiko. Yung nanay nito, editor in chief kung saan ako inaalila. E di sana, nagtali na lang ako ng lubid sa leeg kung balak ko rin palang patayin ang sarili ko, di ba?

Nagtitimpla ako ng Milo sa may tabi ng paminggalan nang lumabas si Lyn mula sa banyo. Punas-punas niya ng puting towel ang buhok niya at nakasuot na siya ng puting T-shirt saka denim jeans. Mukhang ngayon na siya aalis. Iyon naman kasi talaga ang usapan.

Patay-malisya lang ako, kunwari wala akong nakikitang sinuman sa loob ng apartment ko.

Hindi naman sa ayoko siyang kausapin, hindi ko lang talaga alam kung ano'ng sasabihin ko.

"Wow, may pandesal!"

Pagsulyap ko sa kanya sa bandang kanan ko, may tangay-tangay na siyang pandesal doon at naghahanap na ng kutsara para yata sa Reno.

"Bruh, pahingi namang kutsara."

Nanlaki ang mga mata ko nang maglakad siya papalapit sa 'kin. Naghatak agad ako ng kutsara sa lalagyan sa tabi saka ko inabot sa kanya sa malayo pa lang.

The Wayward Son in AklanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon