Chapter 9: Anger

4.8K 234 39
                                    

Vincent Silveria
   
    I'm scared. What if father found out that mother poisoned her? Will he kill mother? No... That can't be. I don't want my mother dead. Hindi ko hahayaang masira ang pamilya ko ng dahil lang kay Efimia. Besides, she insulted mother so she deserved it... To be poisoned.
   
    "Leave." Agad na sumunod ang mga maid at lumabas ng chamber ko.
   
    Napabuntong hininga ako. Someone is dying out there and we're just waiting for her to die. Wala akong magawa kundi manahimik para kay ina.
   
    Alam kong magagalit si ama kapag nalaman niyang pinagtangkaan namin ang buhay ni Efimia. Mahigpit kasing ibinilin ng High Priest na huwag siyang papatayin at hayaang mabuhay na hindi namin maintindihan kung bakit.
   
    Nang gabing iyon ay hindi ako makatulog. Inuusig ako ng aking konsensiya because we killed her. Kahit galit ako sa kaniya ay hindi mababago na kapatid ko pa rin siya. Kapag nakarating ito sa social circle ay siguradong marurumihan ang pangalan namin. Kahit na si Efimia ay kinukutya at minamaliit, mali pa rin ang pumatay ng kadugo dahil ang may sala ay dapat ding patayin ayon sa batas ng kaharian.
   
    "Vincent, you don't look well."
   
    "Ha?"
   
    Kumunot ang noo ng duke and wiped his lips using the table napkin. Napatikhim naman ang duchess habang nakatingin sa akin.
   
    Right now... Nasa dining area kami kasama si kuya na abala sa kinakain niyang fish fillet.
   
    "Have you slept? You look tired, son. May problema ba? Kanina mo pa pinaglalaruan ang pagkain."
   
    Napakurap ako at napatingin sa plato ko. "No, I haven't, father. May iniisip po kasi ako kahapon pa. Hindi ko po alam kung pwede ko itong sabihin..." sinulyapan ko si ina.
   
    "Pagod ka lang. Maybe you need to relax for a bit." Mother smiled sweetly at me. I know what she mean behind those.
   
    "Mother is right, Vincent. Lately... You've been busy with your lectures for your upcoming entrance exam. Father, we request for a vacation," Brother Lorenz said.
   
    Ibinaba ni ama ang hawak na kutsara at pinunasan ang labi. Tumingin siya kay ina.
   
    "That sounds good. Duchess, what do you think?"
   
    "Your Grace, it is our honor. Makabubuti iyon para sa mga bata. If you don't mind, Your Grace, I think today is the best day. I heard ngayong araw ay may bagong bukas na theatre sa Kleos Town. Bukas may celebration and sa isang araw may palaro na gaganapin sa Brence Circle,"
   
    Napangiti si kuya. "Celebration about what?"
   
    "Nakalimutan mo na ba? It's about the Town's 85th anniversary," mother explained habang ako ay pinaglalaruan ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.
   
    'I know that mother is using this as an excuse to make the plan for Efimia's death successful. But, is this alright? To act like I don't care for my sister?'
   
    "I don't want to come, father. I'll be fine here."
   
    "Come on, Vincent don't ruin the mood here. Minsan lang tayong magkasama samang apat and you dare to ignore it? Think about it, simula ng magising si Efimia kabila't kanan na ang problema sa mansyon. So, we should use this as an opportunity!" Nagsalubong na ang kilay ni kuya. He's angry.
   
    "But, Efimia did not do anything, brother. Maging masaya ka na lang kasi pinarurusahan siya,"
   
    "Are you taking her side now?"
   
    "No, I mean—"
   
    "Vincent, remember siya ang nagpahiya sa ating pamilya. She fucking killed herself and she doesn't have mana that's why she caught the Winter Curse. Hindi mo ba alam na pinag-uusapan pa rin tayo sa high society? Nakarating na rin ito sa imperyo. Father is loosing his face because of her!"
   
    "Lorenz, watch your mouth," saway ni ama.
   
    "Your Grace, Lorenz is right. Walang masama sa sinabi niya."
   
    "Duchess, he should act like a noble because he is my son. Cussing during lunch time is not a noble's doing. Lorenz be sure to keep that in mind. As a punishment, I will hire an etiquette instructor for you once we return here. You must learn for this family and as my heir,"
   
    "But, what about Efimia? Father, kailan niyo ba siya ipadadala sa House Rozell? She's okay now."
   
    Oh, right. Her departure was delayed.
   
    "I have arranged that already, Lorenz. You don't have to worry about her and just focus on your studies. I heard that you made a scene at the academy. Is it true?" Father eyed brother.
   
    "Well..."
   
    "We'll talk later. Anyway, bukas na nakatakdang umalis si Efimia. Mr. Arvil?"
   
    Lumapit ang butler at nagbow. "Yes, Your Grace?"
   
    "Where are they?"
   
    "Ms. Elisse is recuperating in the maid chamber and as Your Grace said, I sent Sir Harold to the Imperial Palace,"
   
    "Very well then, prepare our luggage. After this we'll head out to Kleos Town,"
   
    "Understood, but what about the Young Master?"
   
    Father glanced at me. "He'll come with us."
   
    Nasa loob kami ng carriage ngayon at katabi ko si ina. Si kuya naman ay nasa kabilang carriage kasama si ama. Naiwan naman si Mr. Arvil para may mamahala sa mansion habang wala kami ng tatlong araw.
   
    I wonder what he'll do when he found out that Efimia is dead tomorrow which is also the end of her punishment.
   
    "Did I told you to shut your mouth, Vincent? Look what have you done. You're brother got punished because of you." Mother is staring at me that made me uncomfortable. Katapat ko kasi siya.
   
    "I... I don't understand, mother. What did I do that angered you?"
   
    Napapikit siya at huminga ng malalim. "You don't know? Vincent, you tried to protect her. At hindi lang iyon, sinuway mo ang utos ko at ng iyong ama. Pinuntahan mo siya!"
   
    "I'm just trying to help her. She's still my sister,"
   
    "Yes, I know she's your sister and I'm very thankful because that helped me to get rid of her. Vincent, you are my son and I have high hopes on you. Do not let it down, got it?"
   
    "I'm sorry, mother. I-I'll try to be careful next time."
   
    Mother smiled. "It's fine," Pero nawala rin ito na nagpakaba sa akin. Lumamig din ang mga mata niya.
   
    "But, if you try to tell anything about her to your father... I will kill you myself. Hindi ko hahayaang mabuhay ang batang iyon kahit buhay mo pa ang maging kapalit. Remember that my son," Dagdag pa niya.
   
    Napatulala ako. She'll kill me? Mother can do that? "Y-Yes, mother. I will keep that in mind."
   
ーーーーーー
   
Efimia Silveria
   
    Napamulat ako at naghabol ng hininga saka napaubo. Umupo ako at tiningnan ang paligid. Where am I? Puro kadiliman lang ang nakikita ko. Nanaginip ba ako ulit or ito na ang kabilang buhay?
   
    "Ano ang ginagawa mo rito?"
   
    Napalingon ako at nakita ko ulit ang batang kakaiba ang anyo at kasuotan. Siya ang Diyos ng panahon na si Dzayanara.
   
    Napakunot noo ako at tumayo. "Ikaw na naman? Ako dapat ang nagtatanong at hindi ikaw. Ano'ng ginagawa mo sa panaginip ko?"
   
    "Binibini, hindi ito isang panaginip dahil ang iyong kaluluwa ay nasa aking harapan."
   
    Nanlaki ang mga mata ko. Ano raw? Kaluluwa? So, ako ngayon ang sinasabihan niyang multo ganu'n?
   
    "Hindi ako nagsisinungaling. Hindi mo ba nakikita ang iyong sarili?"
   
    Napatingin naman ako sa kamay ko. Wala namang mali—
   
    Napasigaw ako. "Ano ito? Bakit ganito ang katawan ko?! Magsalita ka!" Oh my god. 'Yung katawan ko ay 50% na lang ang opacity!
   
    "Patay ka na, binibini,"
   
    "P-Patay? Ano bang pinagsasabi mo?! Paano ako—" Napatigil ako ng may maalala. Oh, right... She killed me. I trusted her but this is what I've got.
   
    "Hindi si Elisse ang pumatay sa'yo kundi ang duchess. Nilason ka niya." Nabasa niya ang isip ko.
   
    Oo nga pala, ang kakayahan ng duchess ay paggawa ng matataas na uri ng lason. Bakit ko nakalimutan 'yun? Isa pa bakit ngayon namatay si Efimia e mayroon pang tatlong taon para paghandaan ang kamatayan niya?
   
    "Iyon ay dahil maraming nagbago at maaaring mabago simula ng pumasok ka sa katawan ni Efimia. Binago mo ang kapalaran niya,"
   
    "S-Sa ano'ng paraan?! Isa lang akong kaluluwa na na-trap sa mundong ito!" Gusto kong manira ng gamit! Why do I have to suffer this? Hanggang dito ba naman ay magdurusa ako?
   
    "May mga bagay na hindi ko maaaring sabihin sa'yo dahil maaari nitong maapektuhan ang hinaharap. Tama, isa ka ngang kaluluwa mula sa ibang mundo na may mahalagang misyon dito. Nagsimula iyon nang tanggihan mo ang pagkakataong ibinigay ko sa'yo."
   
    "W-What do you mean?"
   
    Hindi siya nagsalita kaya muli ko siyang tinanong at ang isinagot niya lang sa akin ay isipin ko raw ng mabuti kung ano ang tinutukoy niya. Lalong nangunot ang noo ko at kinalkal ang mga alaala ko.
   
    Have I met her before? Ang alam ko lang ay noong nakita ko siya sa panaginip ko which is humiling talaga ako sa fish pond noon. Napatingin ako sa kaniya.
   
    "Are you not fake? Hindi ba ako nananaginip lang?" Baka mamaya kasi bigla akong magising pero I know that I died out there. Naguguluhan ako.
   
    "Binibini, masyado kang maraming tanong. Sa totoo lang hindi ko gusto ang iyong ugali. Mataas ang tingin mo sa sarili at matabil pa ang iyong dila. Pinagdududahan mo ba ang isang tulad ko?"
   
    "Uhm.... Yes, I guess? You do look suspicious to me and I cannot let my guard down when I'm living as Efimia you know?" Rolling my eyes.
   
    "Lapastangan!" Nagulat ako ng sumigaw siya. "Pakatatandaan mo na walang sino man ang nakaaalam sa aming anyo dahil ang aming pagkatao ay sagrado!"
   
    Bigla siyang nawala kaya nataranta ako. Nasaan na 'yun?
   
    "Wala ka ring karapatang insultuhin ako dahil isa ka lang mortal!" Nasa likuran ko siya at nagbago ang tono ng boses niya. Mula sa monotone ay naging mabigat ang bawat salitang binibitawan niya.
   
    "Let me explai—"
   
    "Kung talagang hindi tanggap ng iyong puso na hindi ito panaginip ay maaari kitang ipatapon palabas ng aking tahanan. Wala kang utang na loob!"
   
    Imbis na matakot ako ay tumaas lang ang dugo ko. Ang pinaka-ayaw ko ay 'yung sinasabihan ako ng ganu'n.
   
    Namaywang ako at hinarap ko siya. "FYI, wala akong naaalalang may utang ako sa'yo. Kung ikaw man ang Diyos ng panahon, bakit nandito ako? Bakit wala ako sa Earth, aber?"
   
    "Dahil ikaw mismo ang tumanggi! Pinagdudahan mo ang aking kakayahan. Kung tutuusin mapalad kang nilalang dahil dininig ko ang iyong hiling. Subalit hindi ko sukat akalain na ito ang igaganti mo sa akin!" Tinaasan na niya ang boses niya.
   
    Napakurap ako. Totoo ba ang nakikita ng mga mata ko? I can see blue flames around her body. Emotionless man ang mukha niya pero ang boses niya sa isip ko ay nagbago. I think she's mad.
   
    "I did not! Hindi ako tumatanggi kung alam ko sa sarili ko na iyon ang tama," Tanggi ko pa.
   
    "Ang tama? Nakalimutan mo na ba? Pinapili kita ngunit sinunod mo ang sinasabi ng iyong isip. Hindi mo pinakinggan ang puso mo at tinalikuran ang iyong mga magulang!"
   
    "Tumahimik ka!" Dinuro ko siya. "Nagsisinungaling ka dahil hindi sila ang mga magulang ko!"
   
    "Nakakaawa ka dahil masyadong makitid ang iyong utak at sarili mo lang iyong iniintindi,"
   
    "What? Makitid ang utak ko? Para sabihin ko sa'yo.... My general average is 95 on our first quarter! I was ranked top on our class!"
   
    "Hindi ko sinabing wala kang utak o sa madaling salita isang bobo. Kulang ka lang sa pag-unawa at tiwala. Wala rin akong pakialam sa iyong marka dahil hindi iyon ang basehan sa mundong ito," napairap ako.
   
    "Cut it will you? I don't need your fucking lesson — You're just a mere child anyway. Don't lecture me as you please because we are not on the same level!"
   
    "Sumusobra ka na. Ilang libong taon na akong nabubuhay at ikaw pa lang ang taong kumalaban sa akin!"
   
    Napaantras ako ng magkulay puti lahat ng mga mata niya at nagkaroon ng asul na apoy ang kaniyang katawan. Oops, I made her mad dahil para siyang nag-super saiyan. I wonder tatagos kaya ang power niya sa katawan ko since multo na ako ngayon? Nah, I suppose it won't.
   
    "Nope, you're wrong." napapikit ako ng biglang may puting liwanag ang nag-appear sa pagitan namin.
   
    Nang mawala ito ay muli kong iminulat ang mga mata ko at nakita ang isang magandang nilalang. She has these soft wavy platinum blond hair that reached her hips, fair skin, rosy lips and golden eyes. Parehas sila ng damit at hitsura ni Dzayanara iyon nga lang ay puti ang kaniya. Who is she?
   
    "Nice to meet you, Efimia." ngumiti siya sa akin which made me awe. She's beautiful. Noong ngumiti kasi siya pati ang mga mata niya ay ganu'n din. It feels like I'm staring directly to an angel. Narito ba siya para sunduin ako considering that I'm now a soul?
   
    "No, but thank you for the compliment, dear." Oh shit! Her voice is calm and soft. Wait can she read my mind?
   
    "Umalis ka dahil wawasakin ko ang kaluluwa niya hanggang sa walang matira!" Napasilip ako sa likuran ni beauty at nangilabot. Shadow na lang ng katawan niya ang nakikita ko dahil kumapal na ang asul na apoy.
   
    "We'll talk later. I have to handle Dzayanara first." She winked at me.
   
    "Wait!" Hindi ko na siya napigilan dahil niyakap niya ang Diyos ng panahon. "No..."
   
    She got swallowed dahil pati siya ay umapoy ang buong katawan. I heard that blue flames are stronger than red so... That woman won't survive. What to do?
   
⚘KishinRyumei
   
   

Reincarnated as a Shameful NobleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon