Chapter 30: Yoveneah's Royal Academy

503 23 3
                                    

Efimia Silveria

Ang mainvite na mag-aral sa isang academy ay isang malaking karalangan. Hindi lang siya basta academy kundi Royal Academy pa! Ang swerte ko naman! Umattend lang kami ng parada tapos may free education na ako. However, do I deserve it? Wala pa akong Mazico tapos hindi ko alam kung anong ability ko. Baka mapahiya lang ako since karamihan ay mga noble ang nag-aaral sa Royal Academy.

Nakakainis lang kasi hindi man lang ako pinagsalita ni Remus at agad niya kaming tineleport. Paano na ako nito uuwi? Tsk tsk. Hindi ko alam ang daan pabalik tapos wala pa akong pera! Talaga naman oo!

Nasaan ba ako? Lumilingon ako baka may makita akong tao na mapagtatanungan kaso wala. Kaloka! Paano na ito?

"May I help you, Young Miss?"

"Ay tanga!" Nagulat ako nang may magsalita sa likuran ko. Nang lingunin ko ito ay isang matandang lalaki ang nakita ko.

Tumikhim siya. "It seems that you have received His Majesty's gift," sabi niya nang makita ang dala kong scroll. "Follow me."

Sumunod ako sa kaniya. Habang naglalakad kami ay pinagmasdan ko ang paligid. I was teleported to an unfamiliar place. Mismong sa lobby ako nag-appear where I'm facing the two grand staircases. Iyong tipong ikaw ang mahihiyang umakyat kasi pang royal talaga ang datingan.

Anyway, the place had high walls adorned with gold and unique designs. Para kang nasa loob ng palasyo. It's bright, elegant and intimidating. Kalalaki rin ng mga paintings nila!

"Excuse me, where are we?"

"We're in the Royal Academy, Young Miss." napa-ah na lang ako.

Katahimik naman ni lolo. He doesn't speak that much and he walks like a stick. Straight ang likod, stomach in, chest out, and chin up. Parang sundalo lang ang peg. Yung damit niya ay pang butler naman ang style tapos may salamin pa siya sa kaliwang mata na hugis bilog at kulay silver. Alam niyo yung salamin ng right hand ata ng hari sa Cinderella? Diba isa lang yung salamin niya tapos may chain.

Dahil sa posture niya ay nananakit tuloy ang likod ko tapos napapangiwi ako. Hindi kaya nangangawit ito si lolo? Compare sa mga may edad na naku-curve na ang likod, siya ay straight na straight pa rin pero for me, napasobra yata. Ako ang nahihirapan sa kaniya geez.

"We're here."

He opened the door and gestured for me to enter. Tiningnan ko yung sign na nakadikit sa pinto. Sabi doon Dean's Office.

Walang imik akong pumasok sa loob at sumunod naman siyang pumasok sa loob at isinara ang pinto. After that, naglakad siya at tumayo sa tabi ng middle aged woman na nakaupo. Sa harapan niya ay may malaki at mukhang mamahaling lamesa.

Medyo pa-curve yung shape nito tapos may mga gamit na nakapatong dito pero ang pumukaw ng atensyon ko ay iyong hugis bilog na crystal. Kulay blue ito na nakalutang sa ibabaw ng parang golden stand na may unique design. Para siyang mga sanga ng puno tapos nakahawak kunyari sa nakalutang na crystal.

The dean noticed that I was staring at it. "I use it to communicate with other people. Isn't it amazing?"

"Yes. Uhm, are you the dean? I'll get straight to the point na. I would like to ask if you're accepting a student who hasn't obtained its Mazico yet?"

Mukhang na surprise siya. Kailangan kong magdirect to the point kasi walang saysay itong gift na nakuha ko kung hindi pwede ang wala pang Mazico. Given that I should have already had it.

"Oh... You haven't obtained yours? How come...” Nakakunot noo na siya tapos parang hindi makapaniwala. "May I see the scroll?"

Ibinigay ko naman ito saka tiningnan niya. Luh? Mukha bang pineke ko iyan? Nang makita niya ay inilapag niya ito sa lamesa. Nakatitig lang siya sa scroll tapos parang nag-iisip.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reincarnated as a Shameful NobleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon