[inspired from a true story]
Dedicated to TM squad
Enjoy!
*While washing up dishes I have this habit singin' random songs..
"I just wanna be part of your symphoooonyy! When you hold me down I won't -- Aray! Ma! Anshaket!" Diko akalain na binatukan ako ni mama ng dahil sa boses kong mala impyer- este anghel ng kalawakan. Batukan ko din kaya to pag kumanta, Whahaha joke. "Anak ng ugang! Sinunog mo ang sinaing, magagalit papa mo nito!" gigil nya. "Ma chill, naka rice cooker ata tayo"
"Eh sa nag-brown out eh kaya in-exchange gift to sa stove" naka pameywang na sabi nya. "Eh ma di mo naman sinabi sakin ah"."Ilang beses na kitang sigawan na bantayin mo tas naka headset ka lang pala!" Paboritong linya ni mudra with matching action pa. "Headphone ma, I repeat headphone!"
"Ayy basta! Kasalanan mo to" then walkout ang lola nyo.(Continue?....
Oo continue sa hugas)
"After lunch"
"Anak andito na sila!" Sigaw ni mudrakelz na kararating lang galing sa kabilang kanto. "Okay ma!" Sinabihan ko ang group mates ko sa research na dito nalang sa bahay tapusin ang last chapter.
"Pasok mga hangal!" Sigaw ko sa mga pulubing nanghihingi ng tulong...jk"
"Hi KayCee!" masayang sabi ni Mij
"...." Si Rose pala to
"May pagkain naba?" Tanong ni Carl na parang may hinahanap na bulate sa bahay
"Oo nga, gutom naako" sambit naman ni Quibs sabay tapon ng bag nya sa couch, amp as expected sa kanila.
Makalipas ng ilang minutong paghahanda galing sa kusina..."oh ito na, ito lang kaya ko" sabay lapag sa lamesa.
"Sopas?" Ani Rose
"Wow! Sarap naman yan" manghang sambit ni Mij
"Bat sopas? May namatay ba? Salabat nalang sana o kape puro" nakasimangot na saad ni Quibs.