RC: Daan

6 3 0
                                    

Ako'y bumibili ng paborito kong street foods tulad ng kwek kwek, calamares, at fish ball. Pero pinaka paborito ko talaga dito ang kwek-kwek, malapit lang sa iskuwelahan namin.

Kaya bumibili ako nito tuwing umuuwi ako. Gawain ko na kasi ito noon pa, habang naglalakad ako ay kumakain ako, malapit lang kasi ang bahay namin kaya nakasanay narin.

Bigla kong napansin may daan na nakasarado. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman ito sinasarado, maliban kung may naaksidente. Ito ang tinatahak kong daan para mapabilis akong umuwi, meron naman ibang daan pero mas gusto ko itong daanan.
May lalaking nakaupo doon sa gilid ng kalye at kumakain din ng kung ano ang kinakain ko.

Kaya nilapitan ko siya.
"Ah kuya, bakit sinara na itong daan na to?"
Tumingin sakin yung lalaki tas napabuntong hininga siya.

"May naaksidente kasi sa daan na ito kaya hindi na nagpapasok ng tao at kotse dito."

Tumayo na yung lalaki tapos napansin kong hindi niya kinain yung baso na puno ng kwek-kwek subalit nilagay niya ito sa gitna ng daan at bigla kong natandaan na iyon pala ang huli kong kinain at sa gitnang iyon kung saan ako mismo nasagasaan.




@tasokare2021

Randomly ChroniclesWhere stories live. Discover now