Prologue

19 12 11
                                    

Ngayon na ang araw ng pag e-enroll. Ito ang hinihintay ng lahat, dahil sa wakas masisimulan na ulit ang panibago kabanata ng kanilang buhay.

Sa kabilang banda, tamad na tumayo ang dalaga upang kumilos at makapaghanda upang mag punta sa University.

Nagpunta siya sa kusina upang uminom ng tubig at tamad na kinuha ang tuwalya't maligo, kapag kuwan ay nakabihis na ang dalaga.

Lalabas na sana siya ng bahay ng marinig ang balita.

"Pasado alas syete imedya nang Mayo dalawang put-isa ng makita ang bangkay ng dalawang dalagita na nawawala noon pang Mayo Labing-lima. Ayon sa nakakita sa bangkay na si Juan Garcia, naglalakad siya sa Sunflower Street ng maamoy ang hindi kaaya-ayang amoy, ayon sa kaniya pa ay hinanap niya ang pinang galingan ng mabahong amoy at ng matunton halos madapa na siya sa nakita at agad na tumakbo sa brgy upang ipaalam ito sa kanila. Hinihintay pa ang paglabas ng autopsy report upang malaman ang kanilang pagkasawi at hinahanap na ang may pananagutan sa nangyari."

Ang dalaga ay agad na binalot ng kaba, ang street na nasabi sa balita ay malapit lamang sa kanila.

Tulala siya ng makarating sa University, hindi mawari kung ano ang gagawin kung sakaling sa kaniya mang yari ang ganoong bagay?

"Sumalangit nawa ang kanilang kaluluwa" bigkas niya, dahil paulit ulit na pumapasok sa kaniyang isipan ang mga litrato sa balita kanina.

"Miss ikaw na ang susunod na i-interview-hin" nagitla siya ng marinig ang nagsalita sa kaniyang likuran. Tila na nakalimutan niya na nasa pila pa pala siya.

Agad siyang kumilos at pumasok doon sa office. Pilit pinapawala sa isipan ang mga nakita sa telebisyon.

"Goodmorning po" ika niya sa matandang babae na nakaupo kaharap ng lamesa . Siguro nasa mid 50's iyon.

"Maupo ka at ng paumpisahan na natin" Agad siyang tumalima at naupo sa harap nito. Inilapag niya sa lamesa ang hawak na brown envelope. "Fhaxiry Demeña, 17, the general average is 94.76" basa ng matanda na nakapaloob sa kaniyang application form.

"You're scholar of ERG or Education of Reyes Group, ok you're now enrolled. Please proceed to the hall for your ID. And school start after two weeks from now" ngumiti ito sa kaniya.

When she arrive at the hall daglian siyang pumila, bago siya sa paaralan na iyon, nag lipat kasi sila ng bahay ng kaniyang auntie at sa kabutihang palad nakahanap siya agad ng scholarship gayon na din ng university.

Inilibot niya ang kaniyang mata sa paligid, namamangha sa nakikita. Sa isip isip niya "Lilibutin ko na lamang ito sa unang pasukan"

Nang tinawag na ang kaniyang pangalan ay agad siyang nagpakuha ng litrato at inabot ang maliit na papel na naglalaman ng kaniyang pangalan.

Hinintay niya muna na makuha ang ID bago umuwi. Hindi kasi siya makakapasok sa University sa unang pasukan kung wala siya nito. Dahil sa gate palamang ng University ay may scanner na at ang ID ang kakaylanganin upang mabasa ang kaniyang Barcode.

Dumiretso siya sa National Book Store upang bumili na kakailanganin niya, buti na nga lamang at may scholar siya kung hindi baka ilang piraso lamang ang nabili niya.

Full Scholar siya sa University kung kaya't wala na siyang pr-problemahin, ang tanging kailangan niya na lamang ay alagaan ang kaniyang grado upang tuloy tuloy ang kaniyang scholarship.

Nang makalipat siya sa kabilang dako upang kumuha ng high lighter ay hindi niya napansin na may nakabangga siya dahil busy siya sa pagsuri nang kaniyang mga kagamitan.

"Look at your direction. Be careful next time" saad ng isang lalaki sa kaniya,  gamit ang malamig na boses at nilagpasan lang siya nito gayon na din ang mga kasama nito.

Tinignan niya iyong tatlo ,napa kibit balikat na lamang siya at binalik ang kaniyang atensyon sa pamimili.

-----

Nang makauwi ay agad siyang sinalubong ng kaniyang pamangkin na apat na taon lamang.

"Hello po ate ry, namiss po kita. Saan ka po galing?" Saad nito habang nakayakap sa kaniya.

"Sa school ako galing Alexa, namiss rin kita. Eto may dala akong pasalubong sa iyo" kinurot pa nito ang kaniyang pisngi dahil sa gigil, napakalambot kasi ng pisngi nito.

"Salamat ate ry, i love you" pag lalambing nito sa kaniya.

Hinawakan niya ang bata at ibinigay sa kaniyang Auntie.

"Auntie may donut po akong dala kain na po kayo, magpapahinga lang po ako sa kwarto" tumungo lang ito sa kaniya, kung kaya't pumasok na siya sa kanilang bahay na Hinuhulugan hulugan ng auntie at uncle niya. Buti na nga lamang at may dalawang kwarto ito kung kaya't may privacy pa din siya. May napakaliit lamang na gate sa labas nito at may maliit na hardin. Ang ama ni Alexa na asawa ng auntie Alexandra niya ay nasa ibang bansa at yun ang dahilan kung kaya't kahit papaano ay may kinakain at may pinangbabayad sa mga bayarin.

Ang kwarto niya ay hindi ganong kalakihan. May isang kama, drawer, upuan, at lamesa na nakapatong ang mga kagamitan for school.

Isang araw ang dadating at aayusin niya ang kwarto niya, palalagyan ng pintura ang mga dingding, at papalitan ang mga gamit. Makapag-ipon lang siya ay walang alinlangan niyang itutuloy ang pag papaganda nito.

Ipinatong niya ang mga ipinamili sa lamesa, at nahiga upang mag pahinga ngunit hindi niya inaasahan na makakatulog na pala siya.

Balak niya pa naman sanang ayusin ang mga pinamili niya.

Time Bound (Bound Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon