4

5 5 5
                                    

Kabatana 4

Nandito ako ngayon sa kwarto at nakaharap sa package na karton. Sinubukan kong hanapin kung may pangalan bang nakasulat dito pero wala, tanging ang pangalan at address ko lang ang nandito.

Nagdadalawang isip kasi ako kung bubuksan ko, baka kasi mamaya kung ano ang lamang niyan.
Napabuntong hininga ako bago kumuha ng gunting at sirain ang tape na nagsisilbi lock nito upang maging silyado ang kahon.

Pag bukas ko ng kahon, ang una kong nakita ay isang post card. Binasa ko agad ang nakapaloob doon

'Sweet heart. You don't even have me for the past few years, I'm still here, watching you, again. I love you till I die, your my only princess. And I'll always be glad to see you smile even though I'm a far. I'll always support you to what makes you happy. I hope you'll like my gift. I always hear your prayer. Here, take my gift. I want to see again your gifted eyes. I love you and I miss you so much.'

Walang nakalagay na pangalan, pero para sakin ba talaga to? Sino naman ang mag bibigay diba? Baka mamaya sa kapit bahay pala to, pinakielaman ko pa.

At dahil pakielamera ako, tinanggal ko ang nakapatong na takip dito. At gulat na gulat ako sa mga nakita ko sa loob ng kahon.

How come? Sakin talaga to? Pano niya nalaman na gusto ko nito?

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o matatakot. Ang laman kasi ng kahon ay pang ayos ng kwarto. Mga designing materials. Tapos may mga gamit din for school. May ilang mga magagandang damit din at sapatos. Namamangha na lang ako talaga.

Napagdesisyon kong ayusin muna ito sa isang sulok dahil sa saturday na ako mag-aayos ng kwarto, may pasok pa bukas at sa susunod. Excited talaga ako kapag designing or arrangement na ang pag-uusapan, para akong kinikiliti na hindi mapakali.

Ang sarap sa pakiramdam na makakita ng ganito. Parang tumatalon talon ang puso ko sa saya.

Nang matapos ko nang ayusin ang mga kagamitan na iyon, ay agad na akong nilamon ng antok. Ewan ko pero para akong pagod na pagod.

-----


Time is really fast. It's Friday today. At nag-aya si Cahil, ani pa niya na minsan daw kailangan namin ng refreshment. Si Alyanna naman go na go, mahiyain pero madaldal at go lagi sa mga lakad.

"Sumama ka na Fhaxiry, gusto mo ba yon dalawa lang kami, mas masaya kapag tatlo tayo. Malay mo doon pa tayo makahanap ng fafaball. Sumama ka na kasi." sabi nito. Diba sinong hindi makukulitan kay Alyanna kapag ganiyan siya.

"Oo na, kulit mo talaga" Sabay tanggal ko ng kamay niyang naka hawak sa akin.

"Sus kunwari ka pa, narinig mo lang yung fafaball eh, ayieeeeee" Pang-aasar niya pa sa akin at tinusok tusok ang bewang ko.

Inirapan ko siya't hindi na pinansin

"Fhaxiry sunduin ka na lang namin sa inyo mamaya ha, mag -ayos ka na. Mauna na muna kami sayo, kakausapin daw ako ni dad eh." sabi ni Cahil. Napatungo naman ako kung kaya't ayun ang naging hudyat nila upang umalis na.

Nang makauwi ako sa bahay ay sinalubong ako ni Alexa. Niyakap ko siya ng pagka-higpit higpit at kinurot ang mataba niyang pisngi. Hihihi ang cute talaga ng batang ito.

"Ate ri-ri kamusta po ang pasok mo sa tsul" Ang cute niya din mag salita.

"Ok naman ang school ko baby, ikaw kamusta ka dito sa bahay?" tanong ko sa kaniya. Inilagay ko ang mga hibla ng buhok na humaharang sa mukha niya.

Time Bound (Bound Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon