Peste, ang ulan na naman, nakalimutan ko pang magdala ng payong, grabe, kaengotan ba naman. Hindi na ko pwedeng bumalik, malelate nako tiyak, trapik pa, hay naku, kelan pakaya mawawala ang trapik dito? Buntung hininga. Lingon, takbo sa jeep na bumagal ang andar, naku, pagsampa ko, siksikan na. “Ate, pakiusog po!” Kahit mukhang ayaw nya, wala na syang nagawa, isinalang ko ng pwet ko. Bahala ka jan, malelate na ko eh, pakialam ko sa yo. “Kuya, Naiipit po ako!” sabi ng babae “Sorry ha, “ usog pa ako ng konti. “Ok na?” Hindi sya sumagot, hindi ko mapintahan ang mukha kasi nasa may likuran ko, maya na lng bago ako bumaba. Grabe, trapik talaga, kung hindi lang maulan,. Hindi na ko sasakay eh, lalakarin ko na lang. Maya maya pa. Atsus, ginoo ko, may nakakahilong amoy “ anobayan!” sabi ko sabay takip ng ilong Kaya yung iba nagtakip na rin ng ilong, “Ang baho naman!” sabi ng isang babae sa bandang unahan “Wala man lang manners.” Bulong ng katabi kong lalaki “Hayaan nyo na, baka may nakain lang syang hindi maganda, kaya sumama ang tiyan,” sabi ng isang parang nanay na may dala pang basket ng pinamili sa palengke. “Bakit naman kasi hindi na lang pinigilan eh.”sabi ko Katahimikan. Maya-maya, nawala na rin ang dakilang pabango ng salarin. Umandar na ang jeep, salamat ! Mabilis na , tuloy- tuloy na ang takbo. Ayan malapit na ako. Mabuti at hindi ako nalate, 32 mins pa. hay, salamat po , sa isip ko, kakasimula ko pa lang kasi kahapon sa trabaho ko eh, bka pag may late ako hindi ako maregular. “Mama, bayad po, isa po jan lang sa may jollibee.” Sabi ko sabay abot ng ten pesos. May naisip akong kapilyuhan. Tumigil ang jeep. Tumayo nako at bababa na. “o, yung umutot, baka hindi pa nagbabayad!” sabi ko ng malakas “Hoy, kaninapa ako bayad!” sabi nga babae na tinabihan ko. BWa ha ha ha siya pala a ng umutot, tawanan ang lahat ng pasahero,nagtakip ng mukha ang babae.
SORRY PO! Peace! :P
Vote and comment kung gusto nyo pa.
-imgreenapple74