Ulam (short story)
Kakainis naman talaga oo. . .
Kung bakit kasi ngayon pa naki-pag away itong si Andrew eh,kakaasar talaga. . .
Nagtiyaga na lang ako sa panonood ng tv, kahit wala akong magustuhang palabas,
kahit palipat-lipat ng channel, wala talaga, wala na ako sa mood.
Si ate kasi, kailangan pumunta sa school ni Andrew kasi nakipagaway na naman kaya nasa Guidnace Office uli.
Naku, baka nam bully na naman.
Kaya ako, eto dakilang yaya dito sa two years old kong pamangkin na walang ginasa kundi umatungal ng wagas.
“Waaaahhh-h-h-h” sigaw ni nella, nagulat pa ako maryosep!
“O bakit na naman, ha?” tanong ko.
“Tutom na to!” sabi
“Anoh?” tanong ko uli, di ko alam ang lenguwahe nito eh
“Tutom na to!” sabi sabay hawak sa tiyan
Ayun naman pala, gutom na ang sirena,
ang sirena ng bumbero sa ingay ng bunagnga kung makaatungal, parang baka.
“Kakain ka na?” tanong ko ng pauto-uto
Tumango naman,ang bait.
“Yan, ganyan na lang ha! Friends tayo pag good gir lka” sabi ko
Pinilit nyang maupo na upuan sa may dining table, pero hindi siya makaakyat kaya tinulungan ko na, to the rescue ang kagandahang tita.
“O ayan, seat ka muna ha, kuha lang si tita ng food,” sige pa utuin ko na lng ito.
Kuha ako ng plato, look ng kanin, okey, ang dami, maka lafang na rin kaya, teka ano ba ulam nila, ayan, may tosino at fried egg, hala nakakagutom , teka ang figure, ingatan, baka hindi mabili kahit piso.
Kaya isinerve ko na kay sirena ang food.
“Awaw to nan!” sabi
“Anoh?” alien words na naman
“Awaw to!” sabi sabay layo ng plato sa harapan niya
“Aba aba, hoy, bruhilda ka, kung ayaw mo niyan eh anong kakainin mo, eh yan lang ang pagkain nyo dito” sabi ko. Choosy pato!
“Waaaahhhh –h –h-h” atungal agad,susmaryosep.. nabasag ata ear drum ko
“Teka muna!’ awat ko sa kanya, tumahimik at tumingin sa akin
“Ano gusto mong kainin? Ha baby girl?” tanong ko ng pauto-uto to the max
“Tanin!”
“Ah… Kanin!”
Tango-tango.
“ayan na nga eh di ba?” sabay lapit ko ng plato
“Awaw to “ layo niya ng plato
PleaseLord patnubayan nyo po ako
Timpi-timpi.
Ngiti-ngiti.
“Ayaw mo?”
Tango- tango.
“Anong ayaw mo dito?” tanong ko ng malambing,