Prologue

12 1 0
                                    

"Ginawa iyon ng papa mo dahil mahal ka namin..." Narinig kong paliwanag ni Mama.

Nanatili akong nakatingin sa nakakatanda kong kapatid na si Luther. Kasalukuyang pinupunasan ni mama ang mukha niya na puno ng putik dahil itinulak siya ni papa sa basang kalsada mula sa malakas na pag-ulan.

"Di'ba sinabi niya naman sa'yo, huwag na kayong makipaglaro sa mga bata sa labas. Dito nalang kayo sa bahay..." Nanginginig na paliwanag niya.

"B-bakit po? Gusto lang naman naming maglaro... Bakit po ako tinulak ni papa, hindi na ba niya ako mahal?" Umiiyak na saad ni Kuya Luther.

Nakatingin lamang ako sa kanila, hindi ko ito lubos maunawaan pero sigurado ako na mahal siya ni papa. Siguro ay dahil lang nakainom si papa ng kaunti kaya naitulak niya si papa, napalakas lang siguro ang pag-tabig niya kaya gano'n...

"Hindi gano'n 'yon... Mahal ka ni papa mo... Siguro ay hindi niya iyon sinasadya..." Parang nilalamig si mama dahil nanginginig siya habang nagpapaliwanag

Anim na taong gulang ako nang sabihin sa'min ni mama na ginagawa ito ng papa namin dahil mahal niya kami.

Dahil pareho lang na nasasaktan ang nanakit at ang nasaktan.

Baka gano'n talaga kapag nagmamahal, kailangan talaga na magkasakitan. Ang iba ay sa salita habang ang iba naman ay sa ginagawa nila.

•••••

"I-ito, Luther ibili mo muna si Lumi ng paborito niyang biskwit" Anas ni mama na parang nagmamadali.

Walong taong gulang na ako nang matutunan ko na may mga gabi na kailangan naming manatili sa labas dahil mas lalong lumala si papa. Minsan ay umuuwi kami na puro itim at galos ang katawan ng mama namin. Napatingin ako sa gawi ng kalsada at nakita ang papa ko na may hawak na bote ng alak at nanlilisik ang mata at mukhang galit na galit ito ngayon.

Pero mahal niya kami.

"Lumi, halika na" Hila sa'kin ng kuya ko.

Nakarating kami sa isang maliit na tindahan na tatlong bahay ang layo sa bahay namin. Ibinili ako ng kuya ko ng biskwit na paborito ko. Medyo maginawa na rin dahil alas-siete na ng gabi pero ayos lang, ayoko rin kasing marinig ang mga binibitawang salita ng tatay namin. Pero alam ko naman na nasasabi niya lang iyon dahil naka-inom siya at mahal niya kami.

"Nilalamig ka ba?" Tanong sa'kin ni Kuya Luther.

"Konti lang po, uuwi rin naman tayo mamaya. Okay lang sa'kin maghintay!" Saad ko at ngumiti sa kanya.

Kahit naman bata pa ako ay alam ko na peke ang ngiti ni Kuya sa'kin, hindi na ito tulad ng dati na halos mapunit na ang mukha niya. Nakangiti siya pero malungkot ang mata niya. Para bang palagi siyang napapagod kahit na ako lang naman ang parati niyang kasama.

"Kuya" Pagtawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon sa'kin.

"Hmm?"

"Inaantok ka na ba?" Tanong ko dito.

"Hindi naman, bakit? Napapagod ka na ba?" Alalang tanong nito.

"Bakit naman ako mapapagod, lagi kaya kitang kasama!" Sagot ko naman at bumungisngis.

•••••

Minsanan lang naming makita si papa na hindi nakainom, at iyon ay ang minsang umaga ng ikalabing dalawa kong kaarawan.

"Happy birthday to you..." Kanta ni mama at kuya habang nilalagyan ng apoy ang kandila ng cake ko.

Marami akong handa kagaya ng ikalabing apat na kaarawan ng kapatid ko. Kasama pa nga namin ang ibang kaibigan niya mula sa eskwelahan kaso ay hindi na uli sila pumunta rito ng minsang abutin sila ng tatay ko na galing sa inuman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Field of DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon