Terrence's POV:
"Vice, may birthday party pala ako mamaya. Punta ka ha? :)" i type and then pressed the send button
Well, kung hindi nyo alam birthday ko kasi today. Actually ayoko namang magkaroon ng party. Para sakin kasi eh ang birthday party para lang sa bata o sa mga babae.
But my mother insisted and birthday gift narin ni mama kaya pumayag nalang ako. I invited my other relatives and some of my old friends in FEU and MBT. But of course, hindi naman mabubuo yung birthday celebration ko kung wala ang taong pinakamamahal ko. Well, youll find out who she is *wink*
"Anak! Baba ka na dito, may mga bisita ka!" Sigaw ni mama kaya dali dali akong nag-suot ng polo ko!
Tinignan ko muna yung sarili ko bago bumaba
"Tsk! Naks naman! Kaya maraming nai-in love sayo na mga chix eh! Gwapo oh!" sabi...ko, sa sarili ko nung tumingin sa salamin. Hayaan nyo na, libre namang mangarap.
Pagkatapos kong mag ayos eh agad na akong bumaba dahil marami ng bisita ang dumadating. Sabi nga ni mama dapat sa isang restaurant nalang ako nag celebrate but i suggested na dito nalang sa bahay. At least, everyone can move freely at mafe-feel at home lang.
Isa isa nang nag-dadatingan yung mga bisita. Pero yung nagpangiti sakin eh nung dumating yung mga kabarkada ko dati sa FEU!
"Brad! Happy birthday!
"Happy birthday sayo!"
"Wow! Happy birthday! Last mo na yan!"
"Happy birthday, tanda mo na brad!" sabay sabay nilang sabi sakin sabay manly hug.
Ewan ko nga ba kung bakit meron akong mga ganito kababaliw na mga kaibigan. Kabirthday-birthday mo tas sabihan ka ba naman ng "last mo na yan" dba? Normal ba yun? Hahaha! But whatever it is, nagpapasalamat parin ako dahil meron akong mga totoong kaibigan. ;)
"Hay nako! Kayo talaga! Imbes na sabihin nyong "i wish you long life" sasabihan nyo pa ko ng last na to" sabi ko sakanila sabay palo isa isa ng mga ulo nila. Pinag tawanan lang nila 'ko -_-
"Ooww! Kawawa naman yung baby! Wag nyo kasing inaasar guys! Baka umiyak yan!" Sabi naman ni Mike na sobrang halata ng pagiging sarcastic! Sabay sabay naman silang nagtawanan ng sobrang lakas kaya yung ibang bisita pinag tinginan tuloy kami -_-'
"Tama na yang asaran! Pasok na kayo sa loob! At kumuha na kayo ng pagkain!" Sabi ng nanay ko sabay abot ng mga plato.
Habang kinukumusta yung mga bisita isa isa rin silang nagbigayan ng mga regalo! Wahahaha! The best part of having a birthday celebration! Hehe!
Pero kanina pa'ko may hinahanap, ewan ko. Parang di ako mapakali hanggat di ko sya nakikita dito. Parang feeling ko di mabubuo yung birthday ko pag wala sya :(( i want to spend it with my special someo---
And speaking of the special someone ;))
Bigla nalang syang nahagip ng mga mata ko. Damn! I missed her!
-
-
-Vice's POV:
Nandito ako ngayon sa dressing room ko at namro-mroblema sa isusuot ko sa party ni Terrence.
Yes, pupunta ako. Masama bang umattend ng party ng ex ko? (Peace yow) and after all, magkaibigan parin naman kami ;)
(Masyadong bias si author haha)
Nakakainis din kasi wala ngayon ang teamvice kaya kailangang ako ang maghanap ng isusuot ko! Hala! Nubayan! -_-
-
-
-
BINABASA MO ANG
Love Will Lead You Back ( A New Chapter Begins)
RandomDoes love really find its way back?