22

7 0 0
                                    

You can play All Too Well by Taylor Swift. :))

--

I thought I'm going to be okay just by getting away from the city of Druces but no. Every day, it's hard for me to breathe. Every night, I scream in pain.

"Ms. Aster! Gising! Gising, binabangungot ka na naman!"

I woke up drenched in my own sweat and tears. My whole body hurts again. I saw my maid, Jolene, worried about my condition.

I dreamt about him again. I dreamt how sadness enveloped his dark brown eyes and how he begged for me to take back everything that I said.

Inabutan niya ko ng tubig at pamalit na damit. Tinignan ko ang oras sa bedside table ko at ala-una pa lang ng madaling araw.

"Lalabas muna ko, magpapahangin lang."

Tumango siya at hinayaan ako sa labas. Tahimik lang kaong nakatanaw sa dalampasigan mula sa rest house.

Pitong buwan na akong nasa Soriwon. Tatlo ang isla nito na tinatawag na Isla Uno, Isla Dos at Isla Tres. Isla Tres ang pinakamaliit at dito ako nakatira ngayon.

It would be an understatement to say that Soriwon Islands is beautiful. Kaunti lang kasi ang mga taong nakatira dito kaya siguro napreserve ang ganda ng isla. Bughaw na bughaw ang dagat at malinis ang paligid. Tahimik pa at presko sa pakiramdam, ibang-iba sa ingay ng Druces.

Even the rest house is fascinating. It's just a small a-frame rest house with coffee-colored floors with brown and white themed furnitures. However, no plants nor flowers can be found here because having them near me makes me feel sick. Nevertheless, it still feels cozy to live here but...

I reached for my phone and played the video Sasha recorded a few months back. Whenever I think of him, I always play the video of him singing to me. Ilang daang beses ko na 'tong pinakinggan pero hindi ako nagsasawa.

"I miss you." I still love him even though he makes it hard for me to breathe.

I sighed. Namimiss ko na rin ang kinalakihan kong syudad. Gusto ko ring makalabas pero madalang akong umaalis ng bahay sa takot na baka may makaengkwentro akong bulaklak sa paligid.

"Jolene."

"Po?" Agad siyang sumulpot sa likod ko.

"Pwede ka bang magluto ng chicken wings bukas?"

"Sige po! Kaya lang medyo malayo ang bilihan. Okay lang po ba kayong mag-isa bukas?"

Tumango ako sa kanya 'tsaka ngumiti. "Oo naman."

--

Maaga akong nagising kahit na medyo puyat ako kagabi. Bumangon ako agad at kinuha ko 'yong notebook na nasa bedside table ko.

Naging habit ko nang magsulat tuwing gigising at matutulog ako. Sinusulat ko lang kung anong nararamdaman ko at kung anong ginawa ko sa buong araw. Dr. Narciso made me do this but I don't really think I will be cured. I'm doing this because I find writing therapeutic.

Sigurado akong nakaalis na si Jolene kanina pa dahil alas-otso na pero nagtaka ako nang may marinig akong nagtatawanan sa sala. Tinapos ko muna ang pagsusulat 'tsaka ako lumabas ng kwarto.

Nakita kong tumatawa si Jolene habang kausap ang isang matandang babae. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang mukha.

"Jolene?" Pareho silang napatingin sa'kin.

"Gising na po pala kayo!" saad ng babae. Ngumiti 'yong matanda sa'kin.

"Magandang umaga, hija. Ako si Lola Anita. Ikaw ba 'yong inaalagaan nitong apo ko?"

Floral WoundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon