Kabanata 2

7 0 0
                                    

Kabanata 2

Tonight

Pagkatapos ng coffee shop encounter namin ni Sir Seth, wala namang nagbago.

It's still the same.

Sa loob ng classroom ay student niya ako. Sa labas ay hindi kami nagpapansinan.

Wala namang kaso doon. Maganda nga na hindi niya ako masyadong kinakausap outside the classroom dahil nagiging estupida ako tuwing nandiyan siya.

Ilang buwan na rin ang lumipas mula noon.

Lance still insists on us doing the deed. Mas lalong dumadalas ang mga away namin ngayon.

"Lil, help me naman dito sa activity! I cannot! Like, it's hard!" Pagsusumamo ni Paula sa ngayon ay nakatulalang si Paula sa cellphone niya.

"Ayan si Ana, sa kanya ka magpatulong. Hindi 'yan bumabagsak sa kahit anong exam ni Sir Seth." Masungit na naman niyang tugon at ngumuso sa akin.

"I review, thank you very much." Sagot ko kay Lily. Binalingan ko si Paula na ngayon ay pa-iyak na. "Paula kasi, review review rin. Do not party, not until you finish your activities and homeworks." Pangaral ko sa kanya.

Sa totoo lang ay matalino si Paula. Mas matalino pa sa amin ni Lily. The only problem with her is that she parties without minding kung nag-review na ba siya o hindi, kung tapos na sa kaniyang gawain o hindi.

She's naturally intelligent, tamad lang.

Tinulungan ko siya sa kaniyang activity. It was easy, lalo na katatapos ko lang review-hin ang topic kagabi.

I felt my phone vibrate.

I took it out while Paula was busy doing what I told her to do.

Lance:

Babe, go out with me tonight? Na-mi-miss ko na night outs natin :(

His message took me by surprise. I did not expect him to text me, lalo na at bilang na bilang ko ang mga linggong hindi kami mag-uusap tuwing mag-aaway. It's just three days when we last conversed.

Ako:

Don't you have finals tomorrow? Just review. I'm busy, too.

Totoo naman. Dahil finals na rin namin bukas.

Totoo ang sinabi ng mga nauna sa amin na kung hindi ka magrereview sa subject ni Sir Seth Mercado ay hindi ka papasa.

He takes quizzes and exams really seriously. There's no problem in that, actually. It's better than having an exam that is relatively easy. Ramdam ko ang pinaghirapan kong pag-re-review na nag-p-pay off.

Ibababa ko na ang cellphone nang nag-ring ito.

Great. Now he's calling.

"Hello?" Sagot ko sa tawag niya.

"Come on. I missed hanging out with you." Sagot nito sa kabilang linya.

"Just focus on your finals, first. I can't go out tonight. I have finals, too."

"Ana naman, nagpapakipot ka pa rin? Lagi na lang ako ang sumusuyo?" Pagalit nitong sinabi.

The audacity!

"Excuse me? E, bakit kita susuyuin kung ikaw ang gumagawa ng problema? At sinabi ko na sa'yo. May finals ako bukas. Meron ka rin."

"Pero gusto kong mag-date tayo!"

God, this man.

"Jesus, no. I'm going to be busy with school." Mabilis kong sinabi.

"Tang ina, Ana. Ang arte mo talaga. Ginagalit mo na ako." Nanggigigil nitong saad sa kabilang linya. "Mag-d-date lang, ayaw mo pa!"

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon