Happy Death Birthday

12 6 2
                                    

“Uy kawawa naman 'yun oh”

“Oo nga e, naku ang bata bata pa naman ang aga na s'yang kinuha ni Lord”

“Aba'y napaka sama naman nang gumawa nito walang puso! Hindi na naawa sa bata.”

Naglalakad ako papunta sa Tindahan para mag pa-load. Napailing nalang ako sa mga narinig ko, ang aga-aga chismis na naman.

“Naku, alam n'yo ba meron pang isang Babae natagpuang patay sa kabilang kanto”

“Aba'y susmaryosep! Hindi kaya't iisa lang gumawa nito?”

Pagliko ko sa daraanan ko, may nakita akong nagkukumpulan. Ano kayang nangyari?

“Oh mag si tabi kayo, mag si tabi kayo” giit nang isang pulis na pinapaalis 'yung mga nanonood

Teka ano bang nangyari? Bakit naglalagay nang ‘Police Do not cross ’ 'yung pulis?

“Matignan na nga rin” alam n'yo, Hindi naman ako Chismoso sadyang curious lang.

Lumapit ako sa mga nagkukumpulan at nakiusyoso narin. Pero wutek! Ang hirap makipagsiksikan hindi ako makasingit!

“nasan! Nasan ang anak ko!” napalingon ako sa boses na narinig ko.

OH! Si Mama, papalapit rin s'ya dito. Huwag n'yang sabihing makiki-chismis rin s'ya? Malapitan na nga rin.

“Nasan ang anak ko!” garalgal ang boses ni Mama, Teka bakit paos ito? Uminom ba ito nang malamig na tubig?

“Lah! Si Mama, parang baliw. Nandito ako sa harapan mo oh,”bigla namang napahagulhol si Mama

“Oy! MAMA,Ano bang ginagawa mo? Bakit ka umiiyak? Tara na nga umuwi na tayo,”nang hahawakan ko na ang kamay  n'ya laking gulat ko nangyari.

“T-teka, bakit Hindi kita mahawakan?” kahit anong gawin ko hindi ko s'ya mahawakan! Bakit?! Bakit lumalagpas lang ang kamay ko sa katawan n'ya?!

Napalingon ako likuran ko nang mag bigay nang daan 'yung mga tao kay Mama.

“Uy! Mama, huwag ka nang lumapit dun Tara na umuwi na tayo. Tska pahiran mo nga 'yang luha mo.” parang Wala lang naririnig si Mama at nag dere-deretso s'yang lumapit sa harapan.

“Ang tigas talaga nang ulo ni Mama! ”tumuloy pa rin ito kahit na pinagbabawalan na. Alam ko na kung kanino ako nagmana. Masundan na nga lang.

“Condolence,Alma.”sinamaan ko nang tingin 'yung isang chismosang nagsasalita kanina.

“Anong Condolence pinagsasabi n'yo? E, Wala namang may patay sa family namin.” napatingin ako kay Mama nang bigla itong lumupaypay sa sahig at lumakas ang pagkaka-hagulgol

“Hoy Mama! Ano ba! Tumayo ka na nga d'yan! Nakakahiya ka na ha, ang daming tao dito mo pa talaga nakuhang mag drama. Tumayo ka na d'yan bilis!”

“RD, anak kooo, bakit mo naman kami iniwan! Pasaway kang bata ka! Kung nakinig ka lang sa sinasabi ko Edi sana hindi sa'yo nangyari ito!” hindi pa rin s'ya tumitigil kaka-iyak nilapitan n'ya 'yung isang lalaking nakahiga at niyakap ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Happy Death Birthday (One Shot Story)Where stories live. Discover now