Chapter I

5 1 0
                                    

Naniniwala ba kayo sa Reincarnation ? Sa lucid dreams ? sa Dejavu ? ako oo.

Napapanaginipan ko ang iba't-ibang pagsubok sa buhay , mga tao , at isang lalake, wait what ? oo isang lalake makalumang kasuotan, hubog ang katawan , mga lumang gusali ,at mga tangkeng pang giyera. alam ko at aware ako na nanaginip lang ako.

"aking sinta, babalikan kita, magsasama tayong dalawa, marahil nagtataka ka kung bakit ako'y biglang nawala agad, malalaman mo malapit na, babalikan kita sinta pangako."

at di ko namalayang pumatak na ang aking luha habang hawak hawak ang isang sulat na aking binabasa sa kalagitnaan ng aking panaginip....

"anak !!! gumising ka! tanghali na" isang malakas na sigaw galing sa nanay ko, umagang umaga nagbubunganga na naman.

"hayss. ma naman ! ang ganda na nung mga nangyayari eh ! ano ba yan! Ayon na ehh, malalaman ko na sana."

Pagpapaliwanag ko at may action pa hahaha tinungo ko nalamang ang  pinto na kinaruruonan ni mama.

"oh ano ng nangyari ? sinabi na ba nya kung asan na sya ? "

oo, alam ni mama since na ganito scenario ng panaginip ko, second year college na ako at isang Business Ad. Student.

"ganun parin ma yung sulat parin nakikita ko same scenario, pati narin ako nagugulohan kung sino yung hinahanap nya, at kunga anong kinalaman ko sa lalakeng nasa panaginip ko."

At dahil sa palagi kong napapanaginipan yung lalakeng yun, pakiramdam ko ako yung nasa kalagayan nung taong hinahanap nya.

By the way, Ako si Agatha Mirielle Madriaga at welcome sa magulo kong mundo.

__________________

Nag lalakad ako ngayon papuntang school, nilalaro ko yung bolang maliit na napulot ko kung saan, nilalaro at nilalaro ko lang ito ng bigla itong nahulog at gumulong sa kalsada at ako naman si tanga hinabol ko at sa di inaasahang pangyayari, bumusina ng malakas ang kotseng babangga na sana sa akin, naistatwa ako sa pagkakaupo at tanging dasal lang ang nasa isip ko jusko ! marami pa akong pangarap, pumikit nalang ako at tanggapin kung ano man ang mangyayari.

"nako! magpapakamatay kaba ?! bulag ka ? may sasakyan na nga di ka pa tumabi bwisit!"

isang pamilyar na boses ang narinig ko, dahil sa grabe na ang kaba ko, di ko na sya nilingon at di na nag aksaya ng oras, tumakbo ako agad dahil sa hiya.

"yung bola mo! " sigaw nya pero di ko sya inintindi di naman sakin yun.

pagkadating ko sa classroom, agad akong umupo at hawak hawak ang dibdib kong kanina pa nagwawala dahil sa takot at hiya, agad namang hinatak ng bestfriend ko ang mukha ko dahilan para mapalingon sa kanya.  Sya Si King Garcia, School hearthrub at varsity ng school, nagkakila kami sa try out ng volleyball nung una feeling close sya at dahil na nga sa kakulitan nya eto magbestfriend na kami ngayon. Don't get me wrong ha may nililigawan syang babae at parang kapatid ko na sya kaya di namin masisikmura kung papatulan namin isa't isa hahahahaah.

"anong nangyare sayo?" tanong nya na nakahawak parin sa pisngi ko, nagmumukha na ata akong siopao dito eh.

" muntik akong nasagasaan" pabulol kong sagot dahil sa nakahawak parin sya sa pisngi ko. "hoy! Pwede ba ?! Tanggaling mo yang kamay mo ang baho eh" pahabol ko at hinampas ang kamay nya.

"hah ? tanga ka kase laki laki muna eh tsss" tinanggal nya yung kamay nya kaya nakahinga na ako ng maayos.

"gago ka thank you sa concern ha ? thank you! "

Ganito talaga kami mag usap nitong kupal na to,

"yan kase eh tatanga tanga, pero ok ka lang ba ?" hahaha, lakas ko talaga dito. May naisip ako, budolin ko kaya to?

"sakit nga tung tyan ko eh huhuhu" pag aarte ko sabay himas ng tyan ko na kunwaring masakit.

"sus gago. gusto mo lang magpalibre." sabi na eh hahaha mind reader ata to eh .

"alam mo naman pala eh. tara libre mo ko"

sabi ko at hinatak papuntang canteen, di ko na sya hinayaang sumagot dahil baka bawiin nya masisira pa balak ko eh for sure tatakbohan na naman ako neto.

*canteen*

"nga pala yung panaginip mo ? kilala mo na ba yung lalake asan na daw?"

pag basag nya sa katahimikan, syempre kumakain ako , ayaw ko sanang sagutin kaso nilibre nya ko kaya no choice ako, at alam nya din yung tungkol sa panaginip ko sila lang nila papa, mama at nang isang to, eh naman kung sa iba pagsasabihan ko, sabihan ka ba namang namang baliw duh ang ganda ko namang baliw pag ganun haha charot.

"ahh ayun, yung sulat pa din yung nakikita ko, pero kanina kaboses nya yung lalaking muntik ng nakasagasa sakin pero, impossible naman kase sa panaginip ko lang naman nakikita at naririnig yung lalake, yun lang kung mumultohin ako, abay! Wag naman sana baka himatayin ako, eh paano kung patay na yung lalaki? tas sinusundo na ako? jusko lord! Wag muna ang ganda ganda ko pa para mamatay" sabi ko sabay subo nung sandwich na kinakain ko.

"oo nga, ano ba talagang gusto nya sayo ? matagal na yan ah, tsaka hinaya ka nga sa mga sinasabi mo kadiri" sabi nya sakin.

"aba ewan ko. ginusto ko ba ? pero alam mo familiar yung lugar ehh iisang lugar lang, basta luma lahat parang binalik ako sa past, you know puro bricks nakikita ko eh"

tatlong taon nang magulo ang isipan ko kung bakit ko napapanaginipan lahat ng yun eh di ko nga alam kong may kinalaman ba to sa nakaraan ko or imahinasyon ko lang pero kontrolado ko naman lahat ehh, pero nung once na yung lalake na yung napanaginipan ko, di ko na napipigilan at palaging nauudlot yung panaginip pag umiiyak ako, hayssss sakit sa ulo.

natapos ng matiwasay ang klase. at ayun na nga ordinaryong araw lang, naglalakad na ako pauwi since nabobored ako kinuha ko ang cellphone ko at naglaro, habang naglalakad naka ramdam ako ng hilo at tuloyang napaupo , napatingin ako sa cellphone ko malabo ito , sumakit na din ang ulo ko at nung di ko na nakayanan ay unti unting nagdilim ang pangin ko kaya tuloyan na akong nawalan ng malay.

"aking sinta, mahal na mahal kita, babalik na ako at makikita na ulit kita, sinta malapit na."

THIRD PERSON'S POV

Di ko alam pero sa panaginip ko nakita ko ang isang babaeng umiiyak at tinatawag ang pangalang "victorino" wala akong ka ide-idea sa panaginip ko. tumigil sya nang may lumapit sa kanyang lalake pamilyar ito at teka ako yun ah ! ako yung lalake ! niyakap nung babae yung lalake, sya kaya yung victorino? Bat kamukhang kamukha ko sya ?

Nagising na lang akong pawis na pawis at gulong gulo ang isip, sino yung babae ? bakit kamukha ko yung victorino ? anong kinalaman ko dun sa dalawa? Siguro imahinasyon ko lang to, oo imahinasyon lang.

Itutuloy....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Filo-es Agapo 1992- (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon