Mama
8:45 p.m.Ikaw talagang bata ka
Lumabas ka riyan sa kwarto mo, 'nak.
Nasa labas si Elias.
Bakit hindi mo man lang pinapapasok?
Kanina pa raw siyang narito, hay naku
Ma, pauwiin mo na po s'ya.
Marami pa akong ginagawa.
Wala akong oras makipaglokohan sa kaniya.
Bumaba ka rito, Kana Isabelle!
Ayaw ko nga po
Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ni Elias, anak
Sinabi niya sa'yo?
Hmmm
Alam mo, naiintindihan ko ang batang 'yon kung bakit niya napagdesisyunang tulungan ang Papa mo.
Hindi sapat ang rason niya para iwanan lang niya ako kasama ang gagong 'yon, Mama.
Hindi niya alam kung gaano ako nakaramdam ng takot habang kaharap ko ang tatay ko.
Pero nasaan siya? Wala.
Hindi na nga niya ako tinulungang makaalis, siya pa ang dahilan kung bakit ko nakaharap ang tatay ko.
Anak, hindi niya alam ang nangyari sa atin
Kaya nga eh, hindi na nga n'ya po alam, ganoon pa ang ginawa n'ya
Nakakainis s'ya
Pinagkatiwalaan ko s'ya eh.
Pero katulad din pala s'ya ng iba na pipilitin akong patawarin ang masahol kong ama.
Alam mo, Kana, galit pa rin ako sa Papa mo.
Takot pa rin ako sa tuwing makakaharap siya.Pero napatawad ko na ang tatay mo, anak.
Maniwala ka man o sa hindi, kahit ilang beses akong papiliin, gugustuhin ko pa ring magpatawad.
Kasi kung hindi? Hindi kita mamahalin nang lubusan.
Kung hindi ko patatawarin ang Papa mo... Hindi kita matitignan sa mata bilang anak ko.
Kaya naiintindihan ko si Elias.
Dahil katulad ko, gusto lang din niyang makalaya ka na sa nakaraan, anak.
Gusto naming makapagmahal ka na nang tuluyan at tanggaping hindi mo naman kasalanan ang ginawa ng tatay mo.
Hindi mo kasalanan, anak ko.
I'm still not ready, Ma.
Pakiramdam ko hindi ko pa kaya.
Ayaw ko.
Hindi ko kayang tanggapin amg mga ginawa ni Papa sa atin.
I understand, anak.
Narito lang si Mama, okay?
Ma, mahal n'yo talaga ako?
Hindi ka ba napipilitan? :(
Kung napipilitan lang ako, baka ibinigay na kita sa Papa mo.
I love you, anak. Please, love yourself too.
Oh
Namamaalam na si Elias, hindi mo ba talaga siya haharapin?
Gusto ko pero...| delete
Paalisin n'yo na po s'ya.
Makikisabi na rin pong huwag na s'yang babalik pa.
BINABASA MO ANG
Bits Of Ecstasy
Teen FictionHeureuse Series #1 Bits Of Ecstasy | An Epistolary Collaboration