097866*****
8:56 p.m.Hijo, p'wede mo ba ulit akong tulungan kay Kana?
Promise, that would be the last
I just need to apologize, please.
I badly want to make it up to her.
Good evening po, Mr. Sencio.
Hindi na po kita matutulungan.
Please hijo, isa na lang talaga.
Hindi ko na ulit siya kukulitin.
Gusto ko lang humingi ng kapatawaran.
Mahal na mahal ko ang anak ko, hijo.
Sa tingin n'yo po ba, kapag humingi ka ng tawad sa kaniya ay sapat na iyon?
Sapat na ba 'yon sa lahat ng takot, lungkot at galit na naidulot mo sa kanila?
Sapat na ba iyon para makalimutan nila ang lahat ng pangangatal ng kamay at paghikbi sa tuwing makikita kang malapit sa kanila?
Kasi sa tingin ko po, hindi eh.
Nakita ko po ang anak n'yo, nakita ko kung paano siya nagpakahirap patahanin ang sarili sa tuwing maaalala niya ang mga ginawa mo sa nanay n'ya.
Babawi ako, hayaan n'yo naman akong bumawi sa mag-ina ko.
Hindi ko sinasadya.
Mahal ko sila.
May nakapagsabi po sa akin, hindi po pagmamahal ang panggagahasa.
Kung totoong minahal mo ang nanay ni Kana, hindi mo gagawin ang krimeng 'yon.
Hindi ka magtatanim ng takot at sakit sa puso ng taong mahal mo.
I must admit, I really like Kana.
At kung tatanungin man po ako kung paano ko s'ya mamahalin kung sakali mang humantong ako roon?
Mamahalin ko po s'ya sa paraang tama at hindi ako magsasawang iparamdam sa kanyang ligtas s'ya sa tabi ko.
Kaya kung gusto n'yo rin pong mahalin si Kana at ang nanay niya, gawin n'yo po ang tama.
Hindi po deserve nina Kana na mahalin sila sa paraang mali.
BINABASA MO ANG
Bits Of Ecstasy
Teen FictionHeureuse Series #1 Bits Of Ecstasy | An Epistolary Collaboration