ISANG PIKIT MATANG NILISAN NG ALAPAAP
Ang pagtahak sa isang daan na alam mo ang patutunguhan ay kahalintulad ng isang pangarap na alam mo ang magiging wakas
Isang kasinungalingan mang pilit ibaon sa limot mananatiling sariwa ang naiwang mga bakas
Pilit mo mang iwaksi ang katotohanang nais sayo ibato ng tadhana patuloy ka pa ring mumultuhin ng nakaraan
Ilang beses mo mang ipanalangin na sana'y panaginip na lamang ang lahat ngunit sa iyo'y nababakas ang mga sugat ng kaniyang paglisan
Isa ka man sa mga ulan na paduloy na dumadaloy sa kawalan hindi mo pa rin masasabing walang kabuluhan
Ang bawat bahagharing simbolo ng pagkamakulay ay magkakaroon pa din ng kadiliman
Pagsikat ng araw mula sa maganda nitong wangis ay magtatapos sa isang paglubog ng haring araw na nag iiwan ng isang magandang ala-ala
Bawat ngiti man sa iyong mukha ay magtatapos pa rin sa isang pighating pagtulo ng mga luha
Nakalulungkot man isipin na kahit ang isang linya ay magtatapos sa isang tuldok na kaniyang pinagsimulan
Ang buhay man ay patuloy ngunit ikaw bilang tao ay walang kasiguraduhan sa mundo
Marahil isa kang magandang pangarap ngunit sa wakas ay mananatili ka pa ring isang pikit matang nilisan ng alapaap
BLUEWISHEDS ANNOUNCEMENTS:
Hindi ako isang perpektong manunulat sapagkat ako'y naniniwala na ang buhay ng tao ay patuloy sa pag-unlad. Ako'y bukas sa lahat ng inyong opinyon at pananaw. Hayaan ninyo na aking mabatid ang inyong mga komento.
For any messages kindly contact me through the following accounts:
Facebook:
https://www.facebook.com/lenjeane.perpetuaTikTok: tiktok.com/@ii.lenne
Instagram: @ii.lenne
https://instagram.com/ii.lenne?utm_source=qr&igshid=ZDc4ODBmNjlmNQ%3D%3DGmail: lenjeanep@gmail.com
Telegram: @lenjeane/ii.lenne
Wattpad:bluewisheds
Discord:lenjeane
INSPIRATIONAL QUOTE:
"You have to write the book that wants to be written. And if the book will be too difficult for grown-ups, then you write it for children."
-Madelein L'EngleNOTE:
ctto. the owner of imagesPLAGIARISM IS A CRIME.
PLEASE VOTE, COMMENT, SHARE, AND FOLLOW
God Bless!
- bluewisheds
BINABASA MO ANG
TULA: AKDANG PANITIKAN
PoetryMga orihinal na gawa ng manunulat. Kompaylasyon ng mga tula na may iba't-ibang kaugalian, pananaw at mensahe na ikalulugod ng mga mambabasa.