TULA #18: ANINO NG KASINUNGALINGAN

80 4 0
                                    


ANINO NG KASINUNGALINGAN

Kung ang paghakbang ang maituturing na kaunlaran tungo sa kasalukuyan
Mas pipiliin kong bumalik sa kahapong nagdaan
Na kung saan buo pa mula sa pagiging indibidwal na tangan
At hindi sinira ng isang aninong kasinungalingan

Mga bahid ng pang-aalipusta, diskriminasyon at mga kamay na bakal na bakas ng pananamantala.
Niyukod ng mga saksak sa mga salitang nakamamatay pag asa
Ekspektasyong buhay ang kalakip sa madla

Oo ikaw,ikaw na tila nagtatago sa anino
na pilit mong binubuo ang sarili mo
pero isa ka pa ring basag na baso na ni minsan hindi magawang mabuo.

Masakit?mahirap?pero tangan mo ngayon ang isang kalakasang nagtatago sa kaibuturan
Na kagaya ng paglubog ng araw,maglalaon ang lahat ng iyong kinukubling pasakit at paghihirap
Tungo sa isang pagsikat ng araw na dala ang magandang pag-asa
Mula sa mga patagong pagluha at mag isang harapin ang reyalidad
Hindi mo na masasabing nasa anino ka ng kasinungalingan dahil ngayon nasa panig ka na ng himawaring katotohanan



BLUEWISHEDS ANNOUNCEMENTS:

Hindi ako isang perpektong manunulat sapagkat ako'y naniniwala na ang buhay ng tao ay patuloy sa pag-unlad. Ako'y bukas sa lahat ng inyong opinyon at pananaw. Hayaan ninyo na aking mabatid ang inyong mga komento.

For any messages kindly contact me through the following accounts:

Facebook: 
https://www.facebook.com/lenjeane.perpetua

TikTok: tiktok.com/@ii.lenne

Instagram: @ii.lenne
https://instagram.com/ii.lenne?utm_source=qr&igshid=ZDc4ODBmNjlmNQ%3D%3D

Gmail: lenjeanep@gmail.com

Telegram: @lenjeane/ii.lenne

Wattpad:bluewisheds

Discord:lenjeane

INSPIRATIONAL QUOTE:
"You have to write the book that wants to be written. And if the book will be too difficult for grown-ups, then you write it for children."
-Madelein L'Engle

NOTE:
ctto. the owner of images

PLAGIARISM IS A CRIME.

PLEASE VOTE, COMMENT, SHARE, AND FOLLOW

God Bless!

- bluewisheds

TULA: AKDANG PANITIKANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon