III

1 0 0
                                    

—on the other hand—

Liam P.O.V

"Love, tara na sabayan mona ako doon lang naman eh." Naka pout na sabi ng aking kasintahan na si Jamaina habang turo-turo ang dagat

She's so beautiful kahit na naka pout siya.

"Okay okay, sasama na ako." Walang energy kong sabi. Gusto ko lang naman magpahinga kaya nga nandito kami sa Dream Camp eh.

Hinila ako ni Jamaina papunta sa malawak na karagatan. Ang simoy nang sariwang hangin at ang tunay na ganda nang isla.
Ay nakakapang akit.

Dahil sa lutang ang isip ko. Di ko namalayan na nasa tubig na pala kami. Napansin ko lang ito nang halikan ako sa pisngi nitong cute kong kasintahan.

"Kabet mo siguro iniisip mo ano?!" Klaro sa boses neto ang pagseselos.

"Wala po akong kabet. You are my only cute and loving baby ko." Sabay smack ko sa kanya at iyon ang sanhi nang pagkapula nang mukha nito.

"Bruh! Sorry for being an intruder sa sweet na scene ninyo pero kainan na raw!" Sigaw ni Chris sa amin.

"Panira naman oh." Narinig kong bulong ni Jamaina.

"Don't worry love, mamaya babalik tayo dito but for now let's eat gutom na mga bituka ko sa tiyan."

"Sige na nga." Umahon na kami at pumunta sa isang dining area nang camp.

"Order na kayo mga bruh!" Nakangiting sabi ni Dave.

Habang pumipili sila nang pagkain ako naman nakatingin lang kay Jamaina.

"Ano tinitingin mo jan?" Napansin niya pala ako.

"Ang cute....cute....mo kasi." Pinisil ko ang magkabilang matatabang pisngi nito.

"Huy! Tama na yan nasa hapagkainan tayo netong Camp. Hindi 'to bahay ni Dave para maglandian kayo." Saway sa amin ni Chris.

"Selos ka lang wala kasi dito si Mah." Pagpapainggit ni Jamaina kay Chris. Di kasi pinayagan si Mah ng mga magulang niya.

"Here's your order ma'am and sir's. Have a nice day here in Dream Camp." Sabi nung beking waiter saka umalis na.

"Let's dig in." Sabay kuha at subo ni Dave.
Patay gutom talaga itong barkada ko parang halimaw kung kumain.

-ADW

Dream CampTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon