—Bangkay—
Cristine P.O.V
Gabi na at kasama ko ngayon si Kc. Pinilit ko siyang sumama sa akin para maglakad lakad at mag muni-muni muna.
"Ahmm Cris?" Tawag ni Kc sa pangalan ko.
"Ano?" Naglakad ako ng patalikod.
"Ahmm. May nagugustuhan ka naba?" Napatigil ako dahil sa tanong niya.
"Anong klaseng tanong 'yan? Syempre meron, hindi naman ako robot para walang maramdaman." Sagot ko sa kanya.
"Eh ikaw may gusto ka ano?!" Pabiro kong tanong."Aba syempre ang ganda nga niya eh." Proud na proud pa talaga siya.
"Eh sino yong swerteng babae na yan?" Tanong ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Secret." Mabilis na tugon nito.
Nabalot kami nang katahimikan ni Kc."Cris, Kc!" May narinig kaming sumisigaw.
"Cris, Kc!" Tawag pa nito ulit.Tumingin kami sa likod at nakita namin si Angelo.
"Angelo anong problema?" Tanong ni Kc.
"Dude....Kc...." hingal na hingal na sabi ni Angelo. "Pre....may n-nakitang ....patay doon." Turo ni Kc sa Camp.
"Huh?! Ano?!" Gulat na gulat kami ni Kc.
"Tara na." Tumakbo kaming tatlo pabalik sa Camp.Ang tanging bumungad lang sa amin ay ang walang buhay na lalaki. Nakadapa lang ito at puno nang dugo. Tinutukan ko nang maigi ang katawan at nalaman kong ito pala ang lalaking nakita kung nakipag talo kanina yung 6footer .
"W-wayne." Hagulhul nung babaeng nakita ko nung umaga. Wayne pala ang pangalan nitong parang 6footer. "Bakit?!" Mangiyak ngiyak na sabi nung babae.
"Shhh! Desiree tahan na." Pinapatahan siya nung lalaking medyo chubby. Pero di mapigilan nang babae ang paghagulhul nito.
"Eto na nga ba ang sinasabi ko." Pabulong na sabi nung lalaking nag awat sa kanila kanina. Tinitigan niya ang bangkay nang ilang segundo at umalis na ito agad. Sumunod naman yung isang beki sa kanya.
"Kc, angelo tara sa kwarto na tayo." Anyaya ko sa kanila di ko na kayang titigan pa ang bangkay nung lalaki.
"Sige tara." Pag sang ayon ni Kc sa akin.
"Dito muna ako." Sambit ni Angelo. May plenaria kasi sila kaya nakakaya niyang tumingin nang mga bangkay.
"Una muna kami." Pagpapa-alam naming dalawa ni Kc.
-ADW
BINABASA MO ANG
Dream Camp
Horror"Tama na!" May narinig akong sigaw. Ang dilim. Wala akong makita. Biglang umihip ang hangin. Ang lamig. "Sabing tama na!" Rinig ko ulit. Napagtanto ko nasa dalampasigan pala ako. Hinanap ko ang pinagmulan nang boses na iyon. ... "Thea? Anong ginagaw...