TD: CHAPTER 2
"Why are you here Galdon?" Tanong ko sa lalaking nasa idad 30s, kanang kamay ng tito ko ng maabutan ko itong prenteng nakaupo sa sofa ko ng makauwi ako dito sa Mansyon.
"Boss Jerick sent me here to give you this," umayos sya ng pagkakaupo at kinuha ang brown envelope na nakapatong sa glass table at iniabot nya sa'kin. "He needs your approval before he can accept this business proposal for your huge company."
"No," malamig na sabi ko matapos mabasa ang business proposal ni Mr. Mendrinez. I know who's Mr. Mendrinez, isang 50 anyos na business tycoon at masasabi kong maduga ito sa negosyo, ayaw nyang nagpapalamang. Patas lang ang magiging benefits namin kapag tinanggap ko itong proposal nya but alam kong may pinaplano sya, masyado syang tuso para pagkatiwalaan ko.
"But why? Mr. Mendrinez's proposal is quite good--." Hinde nya natapos ang sasabihin nya nung nagsalita ako.
"Did you read these documents before you gave them to me?" Tinignan ko sya ng seryoso at pinagtaasan ng kilay.
"No, Your uncle told me about the contents of those documents," yeah right, bakit pa ako nagtaka, masyado syang pinagkakatiwalaan ni Uncle kung kaya't malamang alam na nya ang laman ng dokumentong ito.
"Just do what I've said and you can leave now," final na sabi ko at tinalikuran na sya, saka ako umakyat papunta sa kwarto ko.
Nasa hagdan palang ako ng may maramdaman akong buntot na pumalibot sa binti ko at may kumikiskis na ulo at may kumagat sa palda ko at hinila-hila.
Yumuko ako at binuhat ang dalawang baby ko at dinala sa kwarto ko.
"Did you miss me, my babies?" Tanong ko sa aso't pusa ko nung mailapag ko sila sa kama ko. Nagpaikot-ikot ng dalawang beses si Linggit bago umupo ng nakalabas ang dila.
"Arf! Arf!" Napatawa ako sa kakyutan ng aso ko at hinimas-himas yung ulo nya.
"How about you Blaiz?" Baling ko sa pusa kong prenteng nakadapa sa kama ko, napakunot ang noo ko nung irapan ako nito at talikuran, napailing nalang ako dahil sa kasungitan ng pusa ko.
Iniwan ko sila saglit sa kama ko at dumiretso sa shower room. Pagkalabas ko, pabagsak na inihiga ko ang katawan ko sa kama ng matapos akong makapagbihis.
Napatingin ako sa gilid ng kama ko kung saan parehas na natutulog na yung dalawa, sunod na napatingin ako sa table ko at inabot ang picture frame na nakapatong don.
Dahan-dahan kong hinaplos ang picture naming apat kung saan pare-parehas kaming nakangiti, ito yung picture namin nung gumraduate ako ng grade 6 na valedictorian, parehas silang tatlo na sobrang proud sa'kin nung time nayon. Napakuyukom ang kamao ko matapos sumagi sa isip ko na iyun na ang huling picture namin na magkakasama kami.
"I miss you mom't dad," mahinang bulong ko at may pumatak na luha galing sa mga mata ko, walang buhay na pinunasan ko ito gamit ang likod ng palad ko at walang buhay na tumitig sa kawalan. "Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa inyo," mahigpit na niyakap ko ang litrato bago ko piniikit ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
Nagising ako ng maramdamg may dumidila sa mukha ko, dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at mukha agad ng dalawa kong alaga ang bumungad sa'kin. "Good morning my babies," nakangiting bati ko sa dalawa pero napabalikwas ako ng bangon ng mamataan ko ang oras sa orasan na nakasabit malapit sa pintuan ko.
"Shit! Tanghali na! Bakit ba hinde tumunog yung alarm clock ko?!" Inis na sabi ko at mabilis na bumaba sa kama dahil mag e eight o'clock na at ibinalik ang picture frame sa ibabaw ng lamesa ko.
YOU ARE READING
The Devils [Vengeance Series #1]
Mystery / ThrillerFirst generation of vengeance series of 1\5