TD: Chapter 3
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, nagtaka ako nung wala akong makita. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero para bang nakatali ako dahil hirap akong gumalaw. Hinayaan ko munang mag adjust ang mga mata ko sa dilim at nung nasanay na ang mga mata ko, doon ko nalaman kung ano ang sitwasyon ko.
Nakahiga ako sa malamig na semento dito sa isang bodega ng school habang nakagapos ang mga kamay at paa at may busal ng panyo ang bibig ko.
Bumangon ako at iniupo ang sarili, inipon ko ang lakas ko at buong lakas na pinigtas ang lubid na nakagapos sa kamay ko. Napahinga ako ng maluwag ng mapigtas ko ito, mabilis na tinanggal ko ang panyo na nakabusal sa bibig ko at ang pagkakagapos ng mga paa ko.
Dahan-dahan akong tumayo at napahawak ako sa batok ko nung kumirot ito. Naglakad ako ng deretso papunta sa pinto at nang pihitin ko ito ay hindi na'ko nagulat na naka lock ito mula sa labas. Napapabuntong hiningang umatras ako ng 'onti at malakas na sinipa ang pinto, nasira ito at bumukas.
Dahan-dahan akong lumabas habang hawak ko yung batok ko, pagtingin ko sa labas ay gabi na dahil nakasindi na yung ilaw dito sa 4th floor.
So ganun ako katagal nawalan ng malay?
Nakakailang hakbang palang ako ng may bumulusok na dagger malapit sa mukha ko, na buti nalang ay naiwasan ko. Pinakiramdaman ko ang paligid at ganun nalang ang dismaya ko ng maramdaman ang sampong presensya ng tao na nagtatago sa dilim, hindi kalayuan sa puwesto ko.
"So, ganito kayo makipaglaro? Isa laban sa sampo? Unfair yon," iiling-iling na sabi ko at palihim na napangisi ng marinig ko ang ilang pagsinghap sa kanila, marahil nagulat dahil alam kong hindi lang sila dalawa o tatlo, kundi sampo.
Dahan-dahan silang lumabas sa pinagtataguan nila, mga naka purong itim sila. Itim na damit, sapatos, pantalon, at ang itim na maskarang nakatabon sa mukha nila.
Nahulaan ko kung sino ang babae o lalaki sa kanila dahil sa hubog ng katawan nila.
"Tama nga ako, nasa sampo kayo," iiling-iling na sabi ko na tila disappointed. "Ganon naba kahihina ang mga testers at SSG officers ngayon?" Nakangisi at mapang-asar na sabi ko. Bagaman ay hindi ko nakikita ang buo nilang mukha, sigurado akong hindi nila nagustuhan ang sinabi ko, dahil ang kaninang seryosong mga mata nila ay napalitan ng nanlilisik na tingin.
Napangisi ako at nagsimulang tumakbo dahil sunod-sunod na dagger na ang bumubulusok papunta sa gawi ko. Rinig ko ang ilang pagmumura nila ng ganun ko kadaling naiiwasan ang mga dagger na binabato nila.
So you wanna play a game huh? Then I'll join you.
Patuloy na iniiwasan ko ang mga dagger na papalapit sa'kin habang patuloy ako sa pag takbo. Sinalo ko ang dalawang dagger na muntikan ng dumaplis sa mukha ko, at saka binato ko ito kung saan ko nararamdaman ang dalawang presensya ng tao na nasa malapit sa'kin.
"Arrrggg!"
"Arrrggg!"
Sabay na sigaw nung dalawa sapagkat sigurado akong tinamaan ko ito ng dagger.
2 down, 8 to go.
Napangisi ako at nagpatuloy sa pagtakbo. "Shit!" I was so focused on those who were chasing me, that I didn't notice the people in front of me, who suddenly fired arrows to my direction and that caught me off guard.
Nadaplisan ang kaliwa kong binti, parehas na braso at ang kanang pisngi ko.
Nandilim ang paningin ko sa mga taong patuloy na pinapatamaan ako ng palaso.
YOU ARE READING
The Devils [Vengeance Series #1]
Misterio / SuspensoFirst generation of vengeance series of 1\5