Do expect grammatical errors for I am not perfect and I write-draft-publish. I don't do edits.------------
CC Page 1
Selcouthlvs
"Sure ka ba? Gabi na rin kasi.""Hindi, okay lang talaga. Papunta na siguro 'yon dito. Salamat! Ingat kayo."
I waved my hand at Hail and her boyfriend as a goodbye. Bumalik ulit ako sa pag-upo sa waiting shed at kinuha ang cellphone para may pagka-abalahan. Kanina ko pa ni-text si Picks na nandito na ako pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagrereply. Wala namang kaso dahil gano'n naman talaga siya. Hindi magrereply tapos susulpot nalang bigla sa harapan ko nang nakapamulsa-- gaya ngayon.
"Let's go."
Napa-angat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar niyang boses. I smiled. "Medyo matagal ka ngayon ah, marami kayong ginawa?"
I stands up and gathered my things. Pansin ko na ang tatlong butones ng uniporme niya ay nakalas na kaya kita ang panloob niyang white shirt. His bag's resting on his right shoulder and his arms were now crossed on his chest.
"Bilisan mo na. Your parents are with dad." He said, obviously avoiding my question earlier.
"Huh? Bakit naman? Anong meron?" Pagtataka ko. Sa pagkakaalala ko, wala namang okasyon ngayong araw. "So... didiretso tayo sa bahay niyo, Picks?"
I smiled at that thought. Ngunit nabitin ang ngiti ko nang angatan ko siya nang tingin, hawak na sa bisig ang mga gamit at nakasabit na sa balikat ang shoulder bag. Halata ang inis sa mukha niya. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko maalala kung may sinabi ba akong ikaiinis niya?
"How many times do I need to tell you to call me 'kuya'?"
My lips parted. Iyon pala.
"Ayoko nga. Alam mo namang gusto kita tapos gusto mo tawagin kitang 'kuya'? It's a no- No, Picks."
He blew a loud breath. "Suit yourself." Tapos ay nauna na siyang maglakad.
Natatawa akong sumunod sa kanya. Nilakad-takbo ko pa ang distansya dahil malalaki ang hakbang na ginagawa niya. Muntikan ko pang nabitawan ang hawak na binder kaya mas lalo akong napalayo sa kanya. Binilisan ko ulit ang takbo at nang nasa tabi ko na siya'y inalok ko ang hawak na binder. Tinignan niya iyon nang may pagtataka pero kahit gano'n ay halata pa rin ang masungit niyang awra.
"Hindi mo man lang ba ako tutulungan? Pahawak naman oh!"
"You have your bag. Sigurado akong puro make up lang naman ang laman niyan. Bakit hindi mo itapon 'yang mga make up mo at ipasok 'yang binder mo?"
"Grabe ka naman! May notebook ding laman 'to no!"
Sinamaan ko siya ng tingin pero nag-iwas lamang siya ng tingin. Mas lalong bumilis ang lakad niya at naiwang nakalahad ang kamay ko hawak ang binder kaya kapag kuwan ay ibinaba ko rin. Hinawakan ko nang mabuti at saka tumakbo papunta sa kanya. Wala nang masyadong tao sa University dahil gabi na nga.
Picks and I are currently studying in the same University. Senior high nga lang ako tapos college na siya. Bata pa lang ay magkakilala na kami dahil matalik na magkaibigan ang mga magulang namin.
Picks is cold to everyone. Even to me. Sa papa niya nga lang siguro siya malambot. Sa ilang taon naming pagkakaibigan, naramdaman ko 'yon throughout the years. He doesn't want to blend with the crowd that much. He prefers to be alone rather. Though, marami rin naman din siyang kaibigan kaso snob lang talaga siya. He's also famous in the University. Not just because of his looks that could make girls flock their feet in front of him but also because he was once a varsity player during his Senior high years and he's also quiet smarter than anyone. Varsity siya noon pero tumigil na ngayon dahil college na at palagay ko'y nagba-basketball lang talaga siya noon pampalipas oras.
BINABASA MO ANG
Casually Cruel
General FictionHue Miracle has always been outspoken about her affections for her long-time crush, Pyxes Lewis, a childhood buddy. Ngunit gano'n pa man, Pyxes was unconcerned about this because he only sees her as a younger sister and a friend. Dahil sa nangyari n...