Chapter 02

0 0 0
                                    


Kinabukasan ay maaga kaming umuwi dahil may klase pa ako at mga kapatid ko. Hindi na ako nakapagpaalam kay Picks dahil tulog pa siya at ayaw ko namang gisingin siya para lang magpaalam. Magkikita naman din kasi kami mamaya kasi pupunta siya sa bahay para sunduin ako. Sabay kasi kaming pumapasok sa school at pauwi kasi nakagawian na at may sasakyan siya tapos minor pa ako kaya hindi pa pwedeng mag-drive. Not like I know how to drive though. Pero usapan namin ni papa't mama ay bibilhan nila ako ng sasakyan sa debut ko pero mage-enroll muna ako sa driving school bago ko iyon magamit syempre. Ilang buwan na rin naman at birthday ko na.

"'Yong white ma."

"No, I'm the girl here. The royal blue, mom."

Napatingin ako sa sala kung nasa'n ang dalawa kong kapatid at na sa harap naman si mama na may hawak na dalawang dress na naka-hanger. She's at it again.

"Amara, I think Isaac's right. Maganda ang white, no?"

Tignan mo, nagpapatulong mamili ng susuotin sa mga kapatid ko pero mas bias naman siya sa white na halatang mas gusto niya.

"Ma, tama si Amara. The royal blue suits you better." Singit ko na. Binaba ko ang sandwhich na kinakain bago lumapit sa kanya. Kinuha ko ang dalawang dress at pinwesto sa harapan niya. Pinanliitan ko 'yon ng mata. "Yes. Royal blue talaga ma."

"But the white one looks neat, ate."

"It's not just about being neat, Isaac. It's being presentable, respectable, but at the same time, stunning. Meeting ang pupuntahan ni mama, hindi fashion show. Ang revealing at overrated ng white dress to wear in a meeting."

Bumalik na ako sa lamesa at nagpatuloy sa pagkain. I'm still sleepy even though I took a nap earlier. Gusto ko nalang matulog buong araw pero hindi pwede 'yon dahil ayoko namang mag-absent.

"Thank you for your opinions mga anak! Magbibihis na 'ko!"

Binuksan ko ang laptop ko at nagtingin-tingin ng mga damit sa online shop. I'm thinking of buying new croptops and jeans but I don't think dad would allow me. Marami rin naman kasi akong damit sa closet pero sawa na ako pero hindi pwede iyon dahil ayaw na ayaw ni papa na nag-aaksaya kami ng pera para sa mga bagay na hindi naman na kailangan. But I have savings naman from my baons. But it's still their money though.

"Ate Yumee, have you seen my socks?"

"Which one?"

"The white one."

Tumingin ako sa paa ni Amara. "Suot mo naman ah."

"I have to bring extra. Magbe-bake kami ng cookies later for school as our activity so I have to bring extra pair of socks. Baka madumihan kasi 'to. Tapos we're going to roam around the school pa to sell the cookies we've made."

"Huh? Magbebenta kayo? Saan naman mapupunta ang perang malilikom niyo?"

"Teacher said we're gonna donate it to the farmers who were affected due to the El Niño."

Napatango ako nang wala sa oras. Tinuro ko kung saan ko nakita ang medyas ni Amara. Dahil sa naisip niya, nagkaroon ako ng idea kung paano kumita ng pera.

Should I work? In that way, dad and mom wouldn't say anything when I buy something because after all, it will be my own money that I've worked hard for. Diba? Like duh, baka ma-proud pa nga sila kasi nagkaroon ako ng pag-iisip na magtrabaho para sa sarili ko. But... ano namang trabaho?

"Peacock!" I was totally flabbergasted when I heard a loud horn from outside. Alam ko agad na si Picks na 'yon.

Nagligpit na ako ng gamit at inubos ang sandwhich bago nagsuklay ulit at pumunta sa kwarto ni mama't papa para magpaalam. I kissed my siblings on their cheeks before bidding a goodbye to them. Mamaya pa ang klase nila at si papa naman ang tagahatid sa kanila. Nasa isang University lang din kami pero nahahati kasi ang sa Preliminary school sa higher grades kaya hindi ko rin sila nakikita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Casually Cruel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon