Shann Pov.
Matutulog na sana ako ngunit na alala kong dapat ko pa lang sabihan si sam na dito muna kami mag aaral bukas.
Sinave ko ang numero niya sa selpon ko.
To Martyr:
Hoy! Dito muna sa bahay tayo mag aaral. Susunduin na lang kita bukas.
Sent.
Hindi nag tagal naka tanggap ako ng message galing sa kanya.
From Martyr:
Hoy kadin! Ayoko. Dito na lang sa bahay. May bagyo bukas eh.
______
Tskk! Tigas ng ulo.
To Martyr :
Susunduin nga kita diba? Tsaka may kasalanan kapa sakin. Tsk
______
From Martyr :
Blackmail? Ge. Bukas 8am sharp.
______
Hindi nako nag reply sa kanya at natulog na lang.
Sam Pov.
Maaga pa akong nagising upang hindi na mag hintay si Shann sa labas dahil baka abutin pa kami ng ulan.
*Toooootttttttt*
From Yabang:
Nasa labas nako. Baka gusto mo nang lumabas sa lungga mo.
Galing talaga manira ng araw. Tsk
Lumabas nako dala dala ang mga notes na dapat naming pag aralan.
Ang tagal. Tss Reklamo neto ng makalapit ako sa kanya. Sakay na.
Nasanay naman akong sumakay sa motor dahil lagi akong hinahatid dati ni Justin.
Kumapit ka Samantha at wala akong pangpahospital sayo. Supladong sabi neto sakin kaya humawak na lang ako sa jacket niya.
Sakto lang ang pagpapatakbo neto kumpara kay justin. Mas naging komportable ako sa kanya.
Huminto kami sa pamilyar na bahay kaya nag taka ako.
Shann? Bat ka huminto? Takang tanong ko sa kanya.
Huh? Dito ako nakatira tanga. Pabalang na sagot neto sakin at pinark ang motor sa loob.
Naiwan akong nakatulala dahil nakita ko si Justin palabas ng bahay na iyon at sumakay sa motor na para bang hindi ako nakita.
Hoy! Tara na. Hinihintay ka ni lola. Sigaw sakin ni Shann kaya sumunod nako sa loob.
Pagkapasok ko sinalubong agad ako ni lola at niyakap.
Apo! Tagal din ng di ka nakabisita rito. Mabuti na lang at na kwento ka si Shannong sakin kahapon. Masayang bati ni lola sakin.
Ahmm ano po kasi l-lola. K-kasi po... Hindi ko alam pano ko sasabihin kay lola na niloko ako ng apo nya.
-_-
Nakoo... Alam ko na yon. Sinabi nya na sakin. Sana naman kahit wala ng kayo eh dinadalaw mo ako. Hehe. Sabi sakin ni lola habang akay akay ko siya paupo sa sofa.
Hayyy nakoo lolaaaa. Mag aaral po kami ni Samantha baka po pwedeng hiramin ko muna siya lola? Pagsisingit ni Shann sa aming dalawa ni lola kaya naka kandong ito sa hita namin ni lola.
Letche kang bata ka! Ang bigat mo shannnongg! Sita sa kanya ni lola at kinurot neto ang pwet ni shann kaya napa tayo agad ito.
Agad niya naman akong hinila pa tayo at diritsu ang lakad pa puntang kwarto.
Hoy! Engot bat dito? Takang tanong ko sa kanya.
Baka kasi ma abutan kami ni Justin at kung ano ang isipin non.
Kung ayaw mo bukas po yung pintuan pwede kang lumayas. Masungit na sabi neto sakin.
Baka kasi may dumating tapos kung ano yunh isipin nil..... Di kona natapos ang sasabihin nang tinuro ang pintong bukas.
Bukas ung pinto. Tsaka mag aaral lang naman tayo. Manyak kasi ng isip mo. D naman ako papatol sayo. Sabi neto sabay lapag ng laptop niya sa harap ko.
Ampp! Yabang mo! Sigaw ko sa kanya ngunit tinignan niya lang ako ng matalim.
Daldal mo sam. Sakin na ung isang copy ng notes. Jan ka sa laptop mag review. Sabi neto sakin kaya na nahimik na lang ako.
Mahigit kalahating oras din ng matapos ako mag review. Sinarado kona ang laptop.
Letcheeeeflaaannn shanong!!!! Sigaw ko sa kanya dahil nakatulog pala ito sa kama niya.
Kumuha ako ng unan at pinag hahampas ito.
Araayyy! Saammm naman!! Sigaw neto habang inaagaw sakin ang unan.
Bigla niyang inagaw ang unan sakin ng malakas kaya nadala pati ako.
Nasa itaas niya na ngayon ako at magkalapit ang mukha namin. Hindi ko alam ang gagawin dahil biglang na blanko ang isip ko.
Nakita kong bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya agad akong napapikit ng bahagya. Hindi ko alam kung bakit ngunit kusa kumilos ang aking mga mata.
Ehemm.. Meryenda pala pabigay ni lola. Biglang sulpot ni justin sa pintuan.
Napamuklat agad ako ng mata ng bigla akong tinulak ni Shann sa dibdib. Kahit siya ay nagulat dahil na hawakan niya ang hindi dapat. Ngunit huli na ang lahat. Nahulog ako sa kama at masakit na naka tingin sakin si justin. Agad naman itong umalis pagkalapag ng pag kain.

YOU ARE READING
It's Complicated
Short StoryKatulad na lamang ng paksa ng storyang ito ito'y komplikado. Dahil dito mo mararanasang umibig sa komplikadong sitwasyon. Pagmamahal na walang ka siguradohan kung dapat mo bang ipaglaban o may dapat ka bang ipaglaban. Susugal ka ba kahit alam mong w...