ANM:Chapter 7

342 46 1
                                    

Maaga ako gumising dahil ipaghahanda ko si mama ng umagahan. Nagpumulit kasi si mama na uuwi na daw sya dahil mahal daw ang bayad sa hospital kaya ayaw nya daw magtagal doon. Sinabi ko naman na kaya ko naman bayaran pero matigas ang ulo ni mama kaya sa huli napapayag din ako.

Napagpasyahan ko rin na hindi nalamang pumasok ngayon. Khit hndi pa ako nakakapag paalam kay boss. Bukas nalang siguro ako magpapaliwanag.

Agad akong nagluto ng champorado na paborito ni mama. Ng matapos akong magluto naghanda na ako sa lamesa at saktong pumasok si mama sa kusina.

Nginitian ko naman sya at nilapitan at binigyan ng halik sa pisngi. "Goodmorning mama " naka ngiting saad ko.

"Good morning din anak" naka ngiti rin niyang bati saakin.

Inalalayan ko siyang maupo at inihain sa harap nya ang pagkain.

"Itsura palang mukhang masarap na! Ang galing talaga ng anak ko" komento ni mama ng pagmasdan ang nakahain na champorado sa harap niya.

"Syempre naman ma." pareho kaming natawa bago nagsimulang kumain.

Sana ganito na lang kami lagi. Sana lagi kaming masaya ni mama. Pero alam ko hanggang sana na lang ako. Lalo na ngayon na kilangan kong sabihin kay mama ang tungkol sa sakit nya.

"Ah ma?" umubo ako ng maagaw ko ang atensyon nya. Nakangiti siyang humarap saakin.

"Bakit anak? Ang sarap nitong champorado parang gusto kung ubos yung isang kaldero ng champorado hahaha" masayang saad niya.

Ayuko. Ayuko mawala ang ngiting yan. Gusto ko lagi siyang masaya. Ayukong mawala ang ngiti sa mga labi nya pero anong magagawa ko kailangan niyang malaman.

"Kasi ano ma...... Y-yung ano....... Y-yung s-sakit mo ma..." nakayukong saad ko at pinipigilan ang pagtulo ng aking mga hula.

"Yung sakit ko sa puso? Bkit nak? May problema ba?pagtatanong nito.

Nyeta pano ko ba sasabihin kay mama. Ayuko kasing.

"Ma, m-may..... m-may t-taning na d-daw ang b-buhay mo" matapos kung sabihin yun ay kusa na lamang tumulo ang mga luha ko.

Natahimik si mama. Alm kung nasasaktan rin sya gaya ko  pero wala naman kaming magawa.

Naramdaman kung gumalaw si mama at lumapit saakin. Niyakap niya ako at ramdam kung umiiyak rin sya gaya ko.

"H-hanggang k-kailan na l-lang daw a-ang b-buhay ko?" mas lalong bumuhos ang mga luha ko dahil sa tanong ni mama.

"i-sang taon ma" nakayakap ako sa knya. Ibinaon ko ang mukha ko sa tyan ni mama. Nakatayo lang siya at nakayakap saakin ng mahigpit.

Naramdaman ko ang malalambot niyang labi sa aking noo .

"Mama......"

"Ssshhh nak. Tahan na nak. Tahan na nasasaktan si mama"mahinanong bulong saakin ni mama habang hinahaplos ang buhok ko.

Magsasalita pa sana ako pero nakarinig kami ng mga katok sa pinto. Sunod-sunod na parang gustong sirain yung pinto namin.

Hinarap ako ni mama sa kanya at ngumiti. Pinunasan nya ang mga luha sa aking mga mata.

"S-sige na nak, buksan mo na ang pinto." nakangiting saad nya saakin .

Mahina akong tumango bago tumayo. Hindi na ako nag abalang ayusin ang mukha ko haggard na kung haggard.

Pagkabukas ko ng pinto tumambad saakin si boss. Nagulat ako pero hndi ko pinahalata. Mabilis kung pinunasan ang mga natitirang luha sa mga mata ko.

A Night's MistakeWhere stories live. Discover now