ANM:Chapter 9

510 49 18
                                    


"COLEY? Bakit napatawag ka?" ulit na tanong ko ng hindi sya sumagot.

(I.. Uh..)

Hindi ko alam kung bakit sya tumawag saakin. It's been 3 years since we last saw each other. Hindi nya ako tinetext or tinatawagan kaya nagulat talaga ng tumawag sya.

He is Ashton nicoley My ex-boyfriend. Actually hindi ko sya ex-boyfriend kasi 3 years ago from now wala kaming formal na break up dahil bigla siyang umiwas saakin noon ng walang dahilan at umalis. Kaya hindi ko alam kung kami pa or break na kami. He is my boyfriend since highschool hanggang sa makatapos ako ng highschool. Hindi na ako nakapag  collage dahil namatay si papa. Kaya ginawa ko ang lahat para mabuhay kami ni mama. Huminto ako sa pag aaral pero hindi yun naging dahilan para maghiwalay kami ni coley. In short sinuportahan nya ako.

Siya yung tipo ng lalaki na hindi mo na gugustohing pakawalan pa dahil sa gwapo, mayaman, mabait sya. Lagi siyang nakangiti na parang araw araw ang ganda ng mood na parang wala syang problema. Pero sa likod ng mga ngiting yun ang tunay na saloobin nya. Nahihirapan sya at hindi na sya masaya. Kailangan niya ng masasandalan at napansin ko yun ng makita ko sya.

Nakangiti sya non saakin pero makikita ang lungkot sa mga mata nya kahit pilit nyang tinatago. Dinamayan ko siya at doon na nga nagsimula ang lahat. Gusto ko sya noon pa at lalong lumalim yung nararamdaman ko ng niligawan nya ako.

Naging kami for almost 7 years. At lahat ng pinagsamahan namin iningatan ko at ganon din sya. Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit bigla syang umalis at iwasan ako. Nasaktan ako non syempre pero mas pinili ko syang intindihin.

Lumipas ang tatlong taon na hindi sya nagparamdam kaya pinilit ko na kalimutan sya at nagawa ko naman ng makilala ko si Gabrielle. My boss.

Kabaliktaran nya si Coley. Si Coley laging nakangiti sya naman laging seryuso na akala mo pasan pasan nya ang buong mundo. Masungit na daig pa ako pag my period.

(I miss you,,,, isabell)

Tila doon pa lamang ako bumalik sa reyalidad ng magsalita muli sya sa kabilang linya.

"A-ah Coley...."

(Ssshhhhh. You don't have to answer. I just want to say i miss you and im sorry.)

Hindi ako makasagot dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko.

(Uhm. Isabell? Would you mind if I invite you..... Now? Btw have you eaten?)

"Hindi pa"

(And why is that? It's already 1o'clock. C'mon tell me where  are you and i'll pick you up. You must be hungry now.) he said over the phone.

He's really my ideal man.

"Nasa trabaho ako"saad ko.

(Where is it then?)

"Uhm, alam mo ba yung Skribikin Empire?" pagtatanong ko

(Dyan ka nagtatrabaho?)

"O-oo"

(Okay. Im on my way.)

"Sige take care"

(I will, you too. Just wait for me)

Tumango na lang ako kahit hindi naman nya nakikita. Binaba ko ang phone ko at yumukyok sa table ko. Pero agd  ko ding inangat ang ulo ko ng maalala ko na pupunta sya.

Inayos ko ang mga gamit sa table ko at mabilis pa sa kidlat na inayos ko ang sarili ko. Ayuko namang makita nya akong  mukhang zombie. Ramdam ko ang mga pagtitig nya saakin pero hindi ko na yun pinansin. Beside may ella na sya.

A Night's MistakeWhere stories live. Discover now