Chapter 16 .
Mabagal lang ang naging lakad ko na umabot ng ilang minuto .
Natanaw ko ang emperor sa malayo na nakatinginsa magandang tanawin dito sa pavillion .
Puro halaman ang nakapalibot sa pahingan .kaya naman maganda at sariwa ang hangin.
Tahimik akong naglakad muli papalapit sa kanya .
Yumuko ako at nagbigay galang .
Kamahalan" tanging bigkas ko.
Napatingin sya sa akin at ngumiti.
Rise" sinunod ko ng sinabi nya at tumayo na ng tuwid .
Ipintawag nyo raw po ako kamahalan?" Nakayuko kong ani .hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga mata .hindi dahil sa emperor sya kundi dahil sa kakaibang pakiramdam sa tuwing titingin ako sa kanya .
Yes ,i want to talk to you" magalang akong tumango sa sinabi nya .
Ano pong maipaglilingkod ko kamahalan?"
Maari bang tumingin ka sa akin?" Humakbang ako patalikod sa kanya .hindi maari .
Inilingan ko sya at nakayuko paring nagsalita.
Patawad kamahalan ngunit hindi ko magagawa ang inyong hiling,huwag nyo na po sanang ihiling iyon sa akin" blunt kong pagkakasabi .
Natahimik sya at bumuntong hininga .
Paano ka natutong magluto?" Naguluhan ako sa tanong nya .
Hindi ko alam na marunong kang magluto" dugtong nya pa .
Napatingin ako sa kanya .ngunit agad ding yumuko ng mapansing mariin parin ang pagkakatitig nya sa akin .Matagal na po akong marunong magluto kamahalan"
But that's impossible!" Bahagyang tumaas ang kanyang boses.
Napahakbang ako patalikod sa gulat .
Dalawang metro na ang layo namin sa isat-isa .
Ikaw ba ang nagluluto ng pagkain ni jun'ye?"
Ako nga po kamahalan"
Pinagluto mo sya ,samantalang koayaindhiomlamagnnanpialgout" hindi ko narinig ang huli nyang sinabi dahil humina ito na tila bulong at mabilis ang kanyang pagkakabigkas .
Ano po kamahalan?"
Ngiti lang ang isinagot nya sa akin .
Maari mo ba akong ipagluto?"
Muli akong napatingin sa kanya .tinitigan ko sya .mabuti nalang at hindi sya nakatingin sa akin kundi sa mga bulaklak sa hardin .
Ahmm" hindi ko mahanap ang gusto kong sabihin .gusto kong tumutol nguniy mapanganib dahil isa syang hari .gusto ko rin naman syang ipagluto kasi isa syang emperor .hindi ko alam .masyadong nagtatalo ang aking isipan .
That's an order" natahimik ako sa sinabi nya .
Order is a must.lalo na kapag katulad nilang maharlika ang nagutos .
Masusunod po kamahalan" Sumilay ang ngisi sa kanyang mga labi .
Ano po bang putahe ang gusto nyong lutuin ko?" Pagtatanong ko .
Mahirap na at baka hindi nya gusto ang aking ihahanda .Its up to you" kibit balikat nitong sagot .
Tumango nalamang ako sa kanya .
Napagpasyahan kong magluto ng simple dahil kaunti lang ang rekados na narito at kulang iyon kung natural na inihahain sa lamesa ang ihahanda ko .
YOU ARE READING
His Highness secret baby
Исторические романыA story of a prince and a girl who transmigrated and became the worlds prestigious empress in the history .