chapter 1-5

53 3 0
                                    

Chapter 1 : This is just a dream

Masakit ang katawan na bumangon ako sa kama ng makaramdam ng gutom ,pupungas pungas kong kinusot ang aking mga mata at panandaliang humikab .marahan ko ring hinimas ang aking tyan na kanina pa tumutunog .anong oras na ba? Bahagya kong dinilat ang mata ko .madilim pa .

Pikit mata akong tumayo sa higaan kong matigas dahil sa manipis na tela ,kaya pala ang sakit ng likod k--.

Weyt what? Kutson ang kama ko at malambot .mabilis pa sa alaskwatro akong dumilat ng mata .

Ang kaninang nanlalaki kong mata ay mas lalo pang lumaki .

Fuck where am I?!" May kalakasan kong sigaw .

Sshhh ,keep quiet xialin,masyado pang maaga ,baka magising mo sila" napatingin ako sa paa ko ng may makitang ulo .
Kelan pako nagkaroon ng room mate?

Wait sila? Hindi lang panlalaki ng mata ang naging rekasyon ko .laglag din ang panga kong inilibot ang paningin sa mga kasama ko sa maliit na silid .

Nagkasya kami rito? Eh mas malaki pa nga ang kwarto ko rito .teka nasaan ba ako?
At teka bakit ang gara ng kanilang damit? Ano bang nangyayari?

Bahagya akong umupo upang pantayan ang babaeng kaninang nagsalita .

Psst miss" wika ko rito sabay yugyog sa kanya .

Uhmmm" ungol langa ng isinagot mya sa akin .

Hey miss!" Medyo kalakasan ko nang bulong sa kanya .sinadya kong itapat sa kanyang tenga .Dahilan upang mapatalon sya sa gulat .

Ano ba naman yan xialin! " busangot ang mukha nyang ani sa akin .

Gulo gulo ang kanyang buhok at papungas pungas na humarap sa akin .

xialin?" Turo ko sa sarili ko .

Tumango naman ito .

hindi ako si  xialin ,ako si   thealyn sudler at  nasaan ba ako? Nakita mo baang ina ko?" Sunod sunod kong tanong sa kanya .nayayamot syang tumingin sa akin .

Ano ba naman yang sinasabi mo xialin ,ikaw si xialin at nandito ka dahil isa ka sa mga katulong dito sa palasyo "

I said im not xialin!" Bulyaw ko sa kanya .
Napatakip ako ng gumalaw ang iba naming kasama .

Ano ba ang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan.may sakit kaba?" Hinipo nito ang ulo ko , dahilan upang bahagya akong mapaatras .

Wala ka namang sakit"

Dont touch me "mabilis kong tinabig ang kamay nya .at bahagyang umatras .
"Ano bang nangyayari sayo?" Ramdam ko sa tono nya ang pagaalala .
Sinabi mongnasa palasyo tayo hindi ba?" Tumango ito .

Kung gayon sabihin mo nasama ba akong umarte rito? Nasaang ang direktor ang mga kamera?" Naghihisterical na tanong ko .yeah maybe gumagawa kami ng movie .

Kumunot ang noo nito sa sinabi ko .

Anong umaarte at ano ang kamera? Direktor? " balik nito sa tanong ko .
Napatampal ako sa noo ko .totoo bang hindi nya alam o nagmamaangmaangan lang sya?

Lumapit ako sa kanya upang bumulong .
Miss,kung sino kaman sabihan mo ako kung tama ang ginagawa ko ,baka mapagalitan ako ni derek" tumawa ako ng bahagya sa sinabi ko .
Mas lalong kumunot ang noo niya

Xia lin hindi ko alam kung anong nangyayari sa iyo ,at sa mga sinasabi mo ,walang arte na nagaganap at walang direktor na sinasabi mo" tuluyan ng nawala ang pagasa ko .no ! Kung hindi ito shooting maaring nanaginip lamang ako .tama! Nananaginip lamang ako .

His Highness secret babyWhere stories live. Discover now