Chapter 4

228 8 1
                                    

Friday at nag aya na naman silang magpublic lib kaso tumanggi ako kasi nakipagkita saakin kanina si Monica sa Ayala Terraces. Naeengganyo naman akong sumama sa kanila sa library kaso kailangan ako ng kaibigan ko ngayon, hindi ko naman pwedeng balewalain.

Pag alis nya ay napagdesisyunan kong magsasayang na muna ng oras magwindowshopping dito sa National Bookstore. Sakto lang ang dala kong pera kaya kampante akong magwindowshopping. Kapag kasi may pera ako, hindi ko mapigilan ang walang bilhin.

Pumunta ako sa may notebook, gusto ko kasing magkaroon ng maliit na notebook for reminders. Tumingin ako dun sa maliit na brown golden notebook, tiningnan ko yung presyo, 400 ang mahal. Pumunta ako dun sa may book area, nakita ko yung last book ng series na binabasa ko. Nakakapanghinayang, babalikan ko to sa susunod.

Habang naglalakad ay nagnotify ang phone ko ng message kaya chineck ko ito, baka importante. Galing kay Monica. 'I'm home. Are you still at Ayala? Go home early, traffic ngayon.'

Hindi na ako nakasabay sa kanya pauwi kasi may dinner pa raw sya kasama ang family. Paglabas ko ng bookstore ay dumeretso na ako pauwi. Nang makarating ng bahay ay naabutan ko sina lola na nanonood ng TV habang yung kapatid ko naman ay naglalaro ng games sa tabi.

"Lola," tumabi ako sa kanya sa sofa, niyakap at pumikit sa braso nya.

"Anong nangyari sayo?" nag alalang tanong nya.

"Wala, inaantok lang ako."

"Lola, nagpapasweet lang yang si ate, wag kang padala," komento ng kapatid ko.

Umayos ako ng upo at humarap sa kanya. "Wala ka kasing kasweet sweet sa katawan," sagot ko sa kanya.

"Eeeeew," sagot nya na nagpatawa kay lola.

"Maghapunan ka muna bago matulog," sabi ni lola sabay haplos sa nakalugay kong buhok.

Tumango ako atsaka tumayo, kumain na muna ako bago maligo para makapaghanda na sa pagtulog. Bago ako matulog ay naisipan ko munang echat si Kenzo. 11 na, nagbabakasakaling gising pa yun, wala naman syang klase bukas. Chinat ko naman sya nung Wednesday pag uwi ko at nilike zone lang, ang bastos talaga. Di na rin ako nagchat ulit baka kasi busy.

'Hi. Gising ka pa?'

Niseen nya yun agad kaya napatili ako. Wag nya lang subukang eseen lang, hindi ko na sya crush.

'Why?'

Napangiti ako, kahit pagchat ay ang sungit. May regla siguro to ngayon.

'Wala lang. Anong ginagawa mo ngayon?'

'Nakikipagchat sa rabbit.'

Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang pagtawa. Kainis! Naisipan kong magsend ng rabbit sticker sa kanya na may heart. Sineen naman nya yun, naghintay ako ng reply pero wala na.

'Kenzo?' pangungulit ko.

'Alicia?' reply nya.

Nagselfie ako na may sticker ng rabbit at sinend sa kanya, nag peace sign pa ako. Nagreact sya ng heart dun kaso pinalitan din kaagad ng haha, ang bastos talaga. Nagkamali ba yun ng click o nangbabadvibes?

'Ang cute diba?' makapal ang mukhang tanong ko.

'ng sticker? Oo' nangiimbyerna nyang sagot.

Napanguso ako habnag nagtitipa. 'eh, ako?'

'maganda'

Napatili ako, bago ako makapagreply ay may dumating na panibagong message.

'Good night, rabbit.'

Kaya ayun hindi na ako nakatulog sa kilig. Yawa.

Nang Sunday ay busy akong nag aaral kasi may quiz kami kinabukasan. Okay lang ang MMW kaso ang hirap talaga ng Calculus.

Rushing the Fairytale (Queen City 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon