Chapter 21

132 6 0
                                    

"Congratulations!" bati nila pagkatapos ng graduation ceremony ko.

Agad akong lumapit tsaka niyakap sina Lola at Tita. Napangiti ako nang hinalikan ako sa pisngi ni Lola habang umiiyak. "Proud na proud ako sayo, Apo," sabi nya at niyakap ulit ako.

Mahigpit kong niyakap si Lola at tinahan, naiiyak na tuloy ako. My eyes drifted to Kenzo who was standing behind TIta. Ngumiti ako sa kanya na sinuklian nya agad. Hinarap ko si lola at pinunasan ang mga luha nya. "Thank you po, Lola," sinsero kong sabi.

Sa lahat ng tao sa buhay ko ay siya ang higit na pinasasalamatan ko. She raised and guided us so well, we were the luckiest.

Nagkaroon kami ng maliit na salu-salo sa bahay, grumaduate din kasi ang kapatid ko sa grade 10 kaya ay double celebration na rin to.

"Sabay pa talagang grumaduate ang dalawang apo kong to," proud na kwento ni Lola sa ilang bisita na kamag anak namin.

"Congratulations sa inyo, hija."

Nginitian ko yung pinsan nina Mama na ngayon ko lang ulit nakita.

"May naisipan ka na bang pag aapplyan na trabaho, Nicolette?" tanung ni Uncle.

"Balak ko pong maging financial analyst at may napasahan na po akong ilang application at naghihintay nalang ako ng response."

I decided to be a financial analyst because Kenzo helped me realize how to formulate things. Kenzo planned things and unlike him, I only did what I wanted and had to do but now I wanted to plan everything out myself. I wanted to be more responsible and would carry out things as coordinated.

"Mabuti yan at nag apply ka na ahead of time," tumatangong sagot ni Uncle.

"Oo nga, po," sang ayon ko.

Nag uusap at tinatanong pa kami ng ilang kamag anak nang mahagilap ko si Kenzo sa kusina kasama si Tita. Napatingin sya sa gawi ko at ngumiti.

"Yan ba ang boyfriend mo, Nicolette?" tanong bigla nitong 2nd cousin ko.

Nahihiya akong tumango lalo na at curious ding nakatingin sila saakin naghihintay sa sagot ko.

"Napakagwapong bata naman nyan."

Nahihiya akong ngumiti, tama Aunte at ang gwapo nyan.

"Ang tangkad pa, mukhang mayaman,"dagdag nung isa.

"Ang swerte mo ate," komento nung nakababatang anak ni Uncle.

Ilang sandali ay nagpaalam na muna ako sa kanila para lapitan si Kenzo sa kusina at hilahin papuntang kwarto. Kanina ko pa gustong masolo sya at ngayon lang nakahanap ng chance.

"Congratulations again, babe," bati nya pagkapasok namin at niyakap ako. "Here's my gift," sabi sabay lahad ng paper bag na bitbit nya pa pala mula kanina.

"Ano to?" excited na tanong ko at agad chineck.

"Wear that on my graduation day."

Agad akong napangiti nang makita ang isang sapphire dress. I picked it up to check, it was backless with lace thin sleeves.

"Wow! Thank you," sabi ko at agad yumakap sa leeg nya.

His graduation ceremony would be this Saturday, and guess what? He got the highest Latin honor, I felt so proud of my baby.

"Eyes here!" excited na sabi ko at pinakita ang nakahang na pictures namin sa study table ko.

"What the-" hindi makapaniwalang sambit nya. "You are really in love with me," natatawang sabi niya at tiningnan yun isa-isa.

Rushing the Fairytale (Queen City 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon