Year 2005

51 19 85
                                    


●○●○●○●○●○●

𝚈𝚎𝚊𝚛 𝟸𝟶𝟶𝟻

✧○ꊞ○ꊞ○ꊞ○✧

NAG-AAGAW ang liwanag at dilim sa mga oras na 'yon, wala ring kasiguraduhan kung bubugso ba ang nagbabadyang ulan o hihipan na lamang ng hangin ang mabibigat na ulap papalayo.

Habang nagtatalas ang isang matanda ng bagin para gawing panali sa bungkos na panggatong na naipon ay bigla siyang napatingala sa langit. Walang ano-ano ay nakaramdam siya ng pagtaas ng balahibo nang marinig ang mabilis na pagtakbo ng kung sino sa kaniyang likuran. Lumingon siya, mahigpit ang hawak sa itak na bagong hasa. Ngunit wala siyang nakita kung hindi ang umiimbay na dahon ng mga halaman, hudyat na may dumaan sa mga iyon at hindi gawa lamang ng hangin.

Napalunok ang lalaki at agad sinuksok ang itak sa kaha nito. Pinulupot ang baging sa bungkos ng kahoy at marahang ipinatong sa balikat.

“Sana hindi naisipan ni Don na pakawalan sila ngayon,” taimtim na dalangin ng matanda nang mula sa mataas na burol ay natanaw niya ang mataas at malawak na pader kung saan may natatagong mansyon.

Ang mansiyong may katangian na pinapantasya ng karamihan, na may tatlong palapag at labin-tatlong malalaking kwarto na may disenyo na makaluma.

Ngunit sino bang makakahinuha na sa gitna ng kagubatan na bihira marating ng tao, ni ng mga mangangaso ay may naninirahan na isang pamilya?

Wala.

Walang makakaisip sa posibilidad na 'yon maliban sa mga taong alam ang nakatagong malagim na kapahamakan sa masukal na gubat ng bayan ng Boribor. At isa ang matandang lalaki sa nakakaalam sa kapahamakan na nakatago sa mansyon na iyon.

Ang totoo sa mansyong iyon ay nakatira ang isang pamilya ngunit hindi tunay na magkakadugo. Kasama rin nila ang ilan sa kanilang mga alipin.

Sa unang tingin ay mukhang normal na mga tao. Ngunit ang mga bata sa pamilyang iyon ay kakaiba. Kumbaga malayo sa pagiging normal.

Kakaiba dahil may kakayahan ang mga ito na hindi pangkaraniwan sa normal na tao. Maamoy lamang kasi ng mga bata sa pamilyang iyon ang isang bagay na dumadaloy sa'yong katawan para mabuhay...TUMAKBO KANA. Ngunit hindi magagarantiya ng iyong pagtakbo ang iyong kaligtasan.

Sa mansyon ding iyon, sa ikalawang palapag, sa pang-walong kwarto tinatago ang dalawang babae. Isang babaeng nasa tatlong dekada na ang tanda at isang batang babae na anim na taong gulang pa lamang.

Ang dalawa ay araw-araw na nakaramdam ng takot dahil sa naririnig sa labas ng maluwang na kwarto na tanging kama lamang ang mayroon at ilaw sa kisame. Pilit nilang pinagkakasya ang sarili sa isang sulok ngunit ang mata'y nakapako sa pinto ng kanilang kwarto, nag-aabang sa kung sino ang papasok.

Ang matandang babae naman ay pilit tinatago ang anak kahit ingay pa lamang sa labas ng kwartong nakakandado ang naririnig nila.

"Hoy, Mammon! Give me back my drink you f*cking greedy demon!" Boses iyon ng isang bata, maawtoridad ang tinig.Umalingawngaw pa ang boses sa pasilyo at dinig na dinig sa kwarto ng dalawang babae.

Sa halip na sundin ang utos ay tinawanan lamang siya ng isa ring batang kasing-edad niya. Masamang-masama ang kaniyang tingin doon na akala mo'y isa siyang gutom na tigre na handa ng lapain ang pananghalian sa ilalim ng tiktik na sikat ng araw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfect Beast (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon