Prologue

530 18 6
                                    

Akala ko okay na ang lahat. Akala ko magiging masaya na kaming mamumuhay sa piling ng isa't isa.

Akala lang pala. Tama nga sila. Maraming namamatay sa maling akala dahil patay na patay na ang puso ko.

Nasaan na? Nasaan na ang dating Zaimyl na minahal ko ng buong buo? Nasaan na yung pagmamahal niya para sa akin? Nasaan na yung mga pangako at pangarap naming dalawa?

Hanggang kailan ako magtitiis? Hanggang kailan ako magsasawalang bahala? Hanggang kailan ako magbubulagbulagan? Hanggang kailan ako maghihintay? Hanggang kailan ako magpapakamartir sa kanya at aasa na maibalik muli ang dati?

Babalik ka pa ba?

Sasaya pa ba ako na ikaw lang ang nakakagawa. Na ikaw lang ang nagpapabilis ng pintig ng puso ko. Na sayo lang ako kinikilig sa bawat papuri mo sa akin. Ikaw lang. Ikaw lang ang nakakagawa noon. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito.

Kaya sabihin mo.. Maibabalik pa ba ang nakaraan natin? Ang mga masasayang araw na magkasama tayo?

Kailangan kita sa buhay ko. Dahil Mahal na mahal kita. Sana naririnig mo yun. Sana naririnig mo ako.

/ / / / / / / /

HEAL YOUR HEART 2
- Sandflower92
Allrights Reserved 2020

Heal Your Heart 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon