Chapter 5 - Madman

113 4 3
                                    

"Napakaaga pa para magpacheck-up, La." Sabi ko. Napaka-excited kasi ni Lala makita ang ultrasound ng baby ko.

Mag-iisang linggo na rin kami dito at talagang napakasarap mamuhay sa ganitong lugar. Payapa ang paligid.

"Ano ka ba? 12 weeks ka ng buntis kailangan nating makita agad siya."

"La, maliit pa po siya. Sa susunod na buwan nalang po." Sagot ko.

Naupo nalang si Lala sa sofa at tila ay sumuko na. "Sige na nga. Kung yan ang gusto mo."

"Salamat." Sabi ko ng may halong ngiting tagumpay.

Habang kumakain kami ng hapunan ni Lola ay nakarinig ako ng isang ingay. Pareho kaming nagulat ni Lola sa lakas kaya naman lumabas kami ng dining room.

Sa sala ay nakita namin si Xairyl na pinaghahagis ang kanyang dalawang maleta. Matapos ay napatingin siya sa amin ni Lola at agad namang lumapit. "Surprise!" Sigaw niya sa masayang tono

"Xairyl, bakit hindi ka nagsabi agad?" Tanong ko

Kumapit siya sa braso ko at braso ni Lola. "Surprise nga eh. Hahaha!" Hinila niya kami ni Lola pabalik ng dining room ng nakakapit parin sa amin. "Nagugutom ako." Aniya at naupo nalang kaya naman ay agad siyang pinaghain ng mga kasambahay.

Panay ang subo ni Xairyl at talagang mukhang gutom na gutom talaga.

Napatingin siya sa akin saka ngumiti. Linunok na muna niya ang kinakain bago magsalita. "Pasensya na. Pagkatapos kasi ng klase ko nagbihis agad ako at bumyahe papunta rito." Sabi niya sabay subo uli

"Ayos lang yan. Kumain ka lang." Sabi naman ni Lola sa kanya

"Kaya nga." Dagdag ko ng iabot ko pa sa kanya ang kanin at iba pang ulam.

Pagkatapos naming kumain ay sinamahan ni Lourdes si Xairyl sa kanyang magiging kwarto. Tinulungan rin nilang ayusin ang mga gamit nito.

Ilang oras makalipas pumasok sa kwarto si Xairyl ay hindi pa ito lumalabas. Malamang ay nakatulog dahil sa haba ng byahe.

Lumabas ako ng bahay at pinakiramdaman ang hangin. Nang maramdaman kong ayos lang at tamang tama ang hangin ay inutusan ko ang aming mga kasambahay na mag-ayos ng dinner namin sa tabing dagat.

"Baka malamigan ka niyan Apo." Sabi ni Lola na nasa tabi ko na

"Ayos lang po, La." Sagot ko habang pinapanood ang mga kasambahay pati narin ang mga bodyguard na naghahakot ng gamit papunta sa tabing dagat.

"Anong mayroon?"

Nilingon ko si Xairyl saka siya nginitian. "Dinner sa tabing dagat." Sagot ko

"Talaga?" Tuwang tuwa niyang tanong pero agad din nakungkot. "Kaso, baka mahirapan sila sa paghahakot ng mga gamit." Aniya at tingin sa mga kasambahay at bodyguards namin.

Hinawakan ko siya sa braso at pinisil ito ng marahan. "Ano ka ba? Minsan lang naman natin gagawin 'to." Sabi ko saka nagtungo na ako sa tabing dagat kung saan inaayos ang mga gamit.

Pinapanood ko kung paano nila ayusin ang mga bagay bagay at kung hindi man ako makontento ay pinapaalis ko ito o pinapapalitan.

Minabuti ko na maupo na muna habang pinapanood sila. Pakiramdam ko ay napagod na ako sa ginagawa kong pag-utos sa kanila. Sumandal ako sa upuan at ipinikit ang aking mga mata. Kung pwede lang sana dito nalang matulog sa labas.

"Dian!" Tawag sa akin ni Xairyl pero nanatili parin akong nakapikit. "Pumunta tayong Night Market mamaya. Ngayon ko lang napag-alaman na Unang Araw ng Piyesta dito."

Heal Your Heart 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon