Chapter 1 - Pregnancy

402 14 6
                                    

Walang tigil ang luha ko mula pa nung nalaman kong wala na talaga siya. Na iniwan na niya kami ng ganun kadali. Pero humagulgol na ako ng makabasa na ako ng isang Bote ng Pills sa binigay niya dati. Ang kauna unahang pill na nabasa ko. Binasa ko lahat ng sulat sa mga pills at talagang labis ang aking pag-iyak.

Unang araw kasi ng pagpapagawa nitong libingan at lapida niya kahit wala naman talaga siya sa ilalim. Dahil ayon sa mga pulis ay malalim daw ang dagat na kinabagsakan niya kaya impossible na siyang mahanap pa.

Mula nun, nawalan na ako ng pag-asa. Kaya heto ako. Kahit na alam kong wala ka dyan ay ito lang ang pwede at ang alaala ko mula sayo. Isang malaking batong nakaukit ang pangalan mo. Ang lapida mo.

Hindi ko matanggap na sa isang iglap lang ay mawawala ka sa akin. Sa araw pa ng kasal natin. Ang araw na pinakahihintay nating dalawa. Ang araw na yun ay nagmistulang masalimuot na araw na rin sa akin.

Wala akong ganang pumasok ng mansyon. Pakiramdam ko wala na akong lakas pa para lumakad pero pinipilit ko nalang.

May driver namang naghahatid sa akin kaya pinapahinga ko na lang sa back seat.

Nadatnan ko si Xairy na nakaupo lang sa sala at mukhang wala rin sa sariling katinuan. Napahinto ako sa di kalayuan habang pinagmamasdan siya. Gusto ko siyang damayan at yakapin pero alam kung kailangan niya ring mag-isa kaya nagpatuloy nalang ako paakyat ng kwarto ni Zaimyl.

Ang masayang bahay na ito ay ngayo'y parang wala ng kulay. Ang tahimik na ng buong paligid na parang wala ng nakatira.

Isang linggo narin akong hindi pumapasok at mukhang ganun rin si Xairyl. Hindi ko nakikita si Zachary dito na malamang ay iniintindi ang kalagayan muna ni Xairyl ngayon. Hanggang sa lumipas ang mga araw.

Naupo ako at hinaplos haplos ang higaan ni Zaimyl. Inaalala yung mga araw na yakap yakap niya ako sa pagtulog.

Nahiga ako at nagkumot. Hanggang ngayon naaamoy ko parin ang amoy niya na ikinapatak uli ng mga luha ko. Pakiramdam ko ay yakap niya uli ako dahil sa kumot na ito.

*tok.tok.tok*

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok at iniluwa nito ang kapatid kong si Erza.

"Ate, tara na. Kakain na." yaya niya.

Napangiti ako ng pilit sa kanya. Sa totoo lang ayoko pang bumaba pero kailangan. Ayokong mag-alala sa akin ang mga kapatid ko kaya tumayo narin ako at sabay na kaming bumaba.

Pagdating sa hapag ay nakaupo na ang lahat pero hindi pa nila ginagalaw ang kanilang mga pagkain. Para tuloy gusto ko na uli tumakbo sa kwarto ni Zaimyl at magkulong.

Naupo ako sa upuan ko na kung saan ay katabi ko ngayon ang bakanteng upuan ni Zaimyl.

Habang nagle-lead ng prayer si Lola ay napatingin ako sa upuan ni Zaimyl na hinihintay na sana nahuli lang siya kaya wala pa siya at uupo rin anumang oras siya dumating.

Kumusta na kaya siya?

Masaya kaya siya kung nasaan siya ngayon?

Namimiss ko na siya ng sobra.

"Dian? Apo?"

Napatingin ako kay Lola na tinawag ako. "Po?"

"Kumain ka na." aniya saka ngumiti ng pilit.

"Sige po." sabi ko saka tingin sa mga nakahandang pagkain.

Habang pumipili ako ng kakainin ay parang sumama ang sikmura ko dahil sa mga amoy ng mga ito. Lalo na ng adobo. Anong nangyari? Gustong gusto ko naman 'to ah.

Napatakip ako ng bibig at agad na tumakbo sa may kusina saka nagsuka na. Dahil yata sa panay pagpapalipas ko sa pagkain ay hindi na tumatanggap ng kung anu ano ang sikmura ko.

Heal Your Heart 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon