VIA LACTEA

44 10 0
                                    

Work of fiction. Names, Characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidiental.

All rights reserved.
No part of this story may be reproduced,distributed,or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.

Plagiarism is a crime.

Some scenes from this story are not suitable for young audiences. Read at your own risk. By the way, I'm not a professional author so expect a lot of errors in grammar, typos, spelling, emojis,  and punctuation.

_____________

PROLOGUE

"Welcome back, Claud!" Saad ng mga kaibigan ko na babaeng kadarating lang. Hindi ko inaasahan na darating siya. Halos tatlong taon kang nasa malayo... Masaya ako ngayon para sa'yo, sa ahat ng naabot mo sa buhay. Masaya ako dahil may napatunayan ka na sa mga magulang mo na dati ay minamaliit ka.

Kilala mo pa kaya ako? Saad ko sa sarili habang patagong tinitignan ang bawat galaw niya.

"Cheers para sa pag babalik ni Claud!" Sabay-sabay nilang nilagok ang alak sa baso nila at nag hiyawan habang ako heto tahimik lang na nakikinig at nakatingin sa kanila. 

Nandito ang mga kaibigan namin sa likod ng bahay ko para mag-inuman. Hindi ko inaasahan na inalok pala nila siya na pumunta dito. Well, magtataka pa ba ako? Ang kaibigan ko ay kaibigan niya rin at ang kaibigan niya ay kaibigan ko rin.

Though you're no longer by my side, seeing you achieve your dreams fills me with immense happiness. Your success brings warmth to my heart, and I'll always cherish the memories we shared. Wishing you endless joy and fulfillment in all your endeavors.

"Batiin mo na kasi. Alam kong inaabangan mo rin ang pagdating niya. Gulat ka, ano? Sabi sayo darating 'yan kasi ngayon ka lang naman nagpabwisita sa bahay mo." Sabi ni Shin kaya't tinignan ko siya ng masama.

"Ayoko. Siya dapat ang bumati baka nakakalimutan niya pamamahay ko ito." Saad ko.

"Pamamahay niyo. Kayo ang nag-ipon para mabuo ang bahay na ito 'di ba?" Hindi ako umimik dahil sa narinig mula kay Shin. Totoo naman, college pa lang ako nang magsimula ako magworking student habang siya naman ay nagtatrabaho na at tapos na mag-aral kaya't nagplano na kami magkaroon ng bahay at heto ngayon may naipundar kami.

Hanggang isang araw, nagkaroon siya ng oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa. Ayaw niyang mapalayo sa akin kaya't ayaw niya sanang pumunta sa ibang bansa para tuparin ang matagal niya ng pinapangarap na makapagtrabaho roon lalo na't malaki ang sweldo, mas matutulungan niya ang mga magulang niya. Ayokong isuko niya ang pangarap niya para lang sa akin. Hindi ako makasarili. 

Biglang dumating na lamang ang araw na hirap na kaming magkaintindihan at nagkakasakitan na ng mga salita.

Bumitaw ako. Iniwan niya na rin ako. 

Pero kahit ganoon ang nangyari...

Patuloy pa rin ang pagbuo niya ng koneksyon namin pero wala eh... Kasalanan ko rin naman.  Sa tuwing bubuo siya ng koneksyon, puputulin ko ito. Simula ng marinig ko ang mga salitang binitiwan ng kaniyang tiyahin, nasaktan ako. Marami rin akong napagtanto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Via Lactea Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon