Alon
•••We were busy playing the piano sitting beside each other when a knock came. Sandrio came in, bearing a letter.
“May nagbigay nito sa labas,” he said at iniabot ang sulat. Halcon thanked him and he left the room silently.
Tumayo ako at nilapitan si Halcon na ngayon ay binabasa ang laman ng sulat. The letter have no seal and no address to where it came from and for whom the letter is. The only thing on the envelope is a doodle of an—
“Octopus?” Naguguluhan man ay hindi ko mapigilang matawa. The drawing is cute at may mata at bibig pa, mukha itong galit at naiinis but it only made the drawing so freaking cute!
“Galing kay Cormack.”
“Huh? How did you know?”
“Ang pugita ang kanyang marka.”
Mas lalo akong naguluhan. “Ano?”
“Mayroon kaming ginagamit na mga sikretong pagkakakilanlan upang maikubli ang aming pagka tao. Ginagamit namin iyon sa mga ganitong pagkakataon,” paliwanag niya that cleared my mind and at the same time intrigued me.
“Really? Like a code name then. Kung ganoon, ano naman ang sayo?”
He looked at me for two seconds before saying it.
“Alon.”
Napangiti ako.
Yes, it definitely suits him. Exciting yet dangerous. He's my alon.
We both looked down and read Cormack's letter.
Alon,
Nakapasok kami sa mansion ni Octavio bilang mga trabahador. Nagkataong kailangan nila karagdagang mga tauhan para sa nalalapit na piging. Nagamit namin ang rekomendasyong ginawa mo para sa amin.
Mabilis kaming nakagaanan ng loob ng mga ibang tauhan rito. Lalo na si Louisa, na isang kusinera na mukhang may gusto kay Galen. Mula sa kanya ay nakasagap kami ng impormasyon ukol sa isang ginto na kaha de yero. Nakalagay ito sa silid aklatan kung saan madalas mamalagi ang kanilang amo na si Octavio.
Ani ni Louisa ay hindi sila tiyak sa laman nito. Ngunit malakas ang aking kutob na nasa kaha ang talaan.
Kanina lamang ay palihim kaming pumasok sa silid aklatan upang tingnan ang kaha. Sa likod ng kanyang lamesa ay naroon ang kulay gintong kaha de yero. May taas itong apat na pung pulgada at lapad na tatlumput limang pulgada. Hindi namin tiyak kung paano iyon mabubuksan dahil ang tanging nakalagay ay isang hawakan upang mabuksan ang pintuan.
(Insert a detailed drawing of the safe)
Hindi kami nagkaroon ng sapat na oras upang busisihin ang kaha at ang silid aklatan, sapagkat may mga taong paparating sa mga panahong iyon. Kailangan naming mag-ingat sa pagkakataong ito upang hindi paghinalaan.
BINABASA MO ANG
Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)
RomancePacifico Trilogy #1: Pirate's Stella "A pirate, an heiress and a treasure that holds the key to their fate." *** Avyanna is a rich daughter of a successful business man and a well known surgeon. She spend her life being protected and sheltered. But...