KABANATA 37

3.6K 210 145
                                    

Warning! SPG: Violence

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Warning! SPG: Violence

(This is the longest chapter I've written yet. Buckle up because this will be a bumpy ride.)

Deaths and Betrayal
•••

Tinawid ni Halcon ang planka na nagdurugtong sa dalawang barko kung saan sa dulo ay naghihintay si Santiago.

"Narito ako upang salubungin ka sa iyong matagumpay na misyon." Itinaas pa ni Santiago ang magkabilang kamay na parang inaanyayahan siya sa isang yakap.

Nagdidilim ang kanyang paningin at walang ibang nais gawin si Halcon kundi ang putulin ang mga iyon.

"Sa pamamagitan ng pagnanakaw sa kayamanan na hindi para sa iyo?"

"Alam naman nating dalawa na malaki na rin ang ambag ko, kaya dapat lang may makuha ako." Naging mapanganib ang kanyang tono sa kanyang huling sinabi.

"Alam mong para iyon sa Marguerite," angil niya.

"Ang kayamanan na iyon ay para sa akin." Umabante si Santiago upang isagawa ang kanyang unang atake. Mabilis na naharang iyon ni Halcon gamit ang kanyang espada. Ngumisi ang matanda sa ipinakitang bilis at gilas ng binata.

"Naaalala mo ba ang mga panahong tinuturuan kita sa paggamit ng espada?"

"Hindi ikaw ang nagturo sa akin."

"Ah, oo nga pala. Hindi ikaw iyon, kundi ang aking isang anak." Nangunot ang noo Halcon sa sinabi niya. Wala siyang kilalang ibang anak ni Santiago liban kay Seraphia.

"Ngunit hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga ngayon ay ang tapusin ka—"

"Katulad ng ginawa mo kay Markus," putol niya rito.

"Hindi ako ang pumatay kay Markus."

"Ipinagkanulo mo siya, pagkatapos ay kinuha mo ang mga ginto at ang mga bato para sa sarili mo. Ano ang pinagkaiba niyon?"

Hindi ito nakapagsalita agad, matapos ay bigla itong ngumisi nang may maisip.

"Sino ang nagsabi sa iyo?"

"Wala kang pakialam." Iwinasiwas ni Halcon ang kanyang espada, tanda ng simula ng kanilang labanan.

Tama na ang maraming buhay ang naitaya. Hindi niya hahayaang maulit muli ang nakaraan.

•••

“Hayop ka.” Puno ng pagkamuhing anas ni Avyanna sa babae. Ang katawan ni Mason ay bumigat sa kanyang mga bisig. She refused to let it go and tightens her arms around him.

Napapikit siya nang mariin nang marinig niya ang mahinang igik ni Mason nang hugutin ni Seraphia ang kanyang espada na balot ng dugo, tumulo sa sahig ang ilan sa mga iyon.

Gusto niyang hiklatin ang espadang iyon at itarak sa lalamunan ng babae. She thought a lot of gore scenes that she wished to do to her. She wants to triple the pain she caused us.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon