"Claudette.."
"Huh." Gulat kong sabi napaidlip ako. Nakalimutan kong naglelecture pa pala ang striktang Professor namin sa panghuling module ko sa araw na ito. Boring na boring akong makinig sa mga kaartehan nito.
"Tayo na lang ang naiwan sa room." Si Charlie.
"Hah? Si Dexter?" Nilinga ko pa ang paligid ng classroom.
"Nauna na may practice daw sila ng banda niya ngayon. Lika na sa locker room natin at ng makapagpalit tayo ng P.E. uniform.
"Escape muna ako gusto ko na lang talagang umuwi at matulog. Walanghiyang Dexter na yan napuyat kaming pareho sa gimik kagabi." Nakanguso ko pang sabi.
"Sige escape na rin ako ng P.E. natin pero sa isang kondisyon?" Kumikislap pa ang mga matang saad ni Charlie.
"Anong kondisyon?" Nakakunot noo kong tanong.
"Claudette samahan mo ako sa Greenbelt. Magpapadala kasi ako ng "something special" kay Jeremy, tulungan mo akong mamili." Nakangiti nitong sabi. Napailing ako. Lahat talaga nagagawa ni Charlie para lang kay Jeremy hindi kasi ito nagiescape o umabsent man lang dahil masyado itong masipag mag-aral dahil gusto nitong ipagmalaki at maabot nito ang lalaking pinakakatangi nito. Nakakainggit ang pagmamahalan ni Charlie at Jeremy. Sana makatagpo din ako ng lalaking mamahalin ko ng wagas, yung lalaking tanggap ako at mamahalin ako ng buong buo.
"Claudette...?" Pukaw ni Charlie sa aking munting muni muni.
I rolled my eyes and pretend that I am thinking really hard.
"Should I come with you or not? Hmmm...." I am looking up to the ceiling while my index finger under my chin.
"Andaya." Malungkot na sabi ni Charlie tumayo na ito at naglakad palabas ng classroom.
Ngumiti ako at inilang hakbang ko lang ang pagitan namin para makahabol sa kanya. Nginitian ko siya ng mahawakan ko ang kanyang mga kamay.
"Daan tayo sa World of fun hah?" Nakangiti kong turan sa kanya.
"Sigeeeee!. Gusto ko sumayaw ng just dance,maghulog ng coins at pataasan tayo ng score sa pagshoot ng bola sa basketball booth." Excited nitong sabi. Naexcite rin ako. Oo nga dalagang dalaga na kami ni Charlie pero nagiging bata kami everytime na pupunta kami sa World of Fun. Isa ito sa mga bagay na hindi alam ng mga tao sa paligid namin that we will always be a little girl in our hearts. Magkahawak pa rin kami ni Charlie habang palabas na ng building ng Letran ng may humarang sa dinaraanan namin at may bitbit pa itong puting rosas. Biglang uminit ang ulo ko ng makilala ko ang lalaking nasa harap ko.
"Honey pls. tell me what did I done wrong. Di mo na ako pinapansin. Pls. be with me again Claudette, I can't live without you." Pagmamakaawa pa ni Ace.
"You don't know what you've done wrong? For heavens sake Ace!.. You took advantage of me." Gusto ko ng sampalin si Ace at pagkakalmutin. He is my boyfriend for 3 weeks. I thought he is ok dahil napakagentleman nito, sweet and thoughtful. Gwapo din ito,maputi at matangkad. Kaklase ko ito sa Philippine History last year. Graduating student na ito sa kursong Engineering. Pumayag akong maging girlfriend niya dahil matiyaga ito sa panliligaw at pagsuyo. Pero nung last week lang niyaya ako nito sa party ng kaibigan nito. Nilasing ako nito ng nilasing. Nakaramdam ako ng hilo and when I woke up I found myself in a white room with him and he is totally naked. Nang tingnan ko ang sarili ko wala na rin akong damit pang itaas. Kumukulo pa rin ang dugo ko pag naaalala ko ang gabing yun.
"Pero Claudette wala namang nangyari. I am sorry please nadala lang rin ako ng pagmamahal ko sayo at nalasing din ako. Plus you were on that bed so seductively laying even you are drunk.Di ko lang napigilan sarili ko. Pls. Claudette...." Maiyak iyak nitong pakiusap.
"No!..Its over! Kaya tigilan mo na lang rin ako ok? Kakalimutan ko ang kawalanghiyaang ginawa mo basta tigilan mo na lang ako." Mas lalo lang akong nakaramdam ng galit hindi sapat na dahilan ang pagiging lasing o lango sa alak para makalimutan mong igalang ang girlfriend mo. Kung hindi pa ako nagising baka kung ano pa ang ginawa sa akin nito. Tumakbo akong walang damit pang itaas tanging ang kamay ko lang ang ipinantakip ko sa aking dibdib. The worst part is nasa bahay pa kami ng kaibigan niya and the party is not yet over. Kaya nung bumaba ako ng hagdanan at tumakbo palabas ng gate maraming bisita ang nagulat nagbulungan at nakakita sa akin na tanging mga kamay lang ang nakatakip sa dibdib ko. Wala naman talaga akong pakialam ng mga oras na yun. All I think is to be out of that place!
"No! Hindi ako papayag na ganun na lang Claudette. Mahal na mahal kita! Di ko kayang mawala ka sa akin." Matigas ang boses na sabi nito hinawakan pa nito ng madiin ang mga braso ko. May pagbabanta sa mga mata nito.
"Bitiwan mo ako Ace!.." Hindi ko maiwasang sigawan siya. Umagaw na rin kami ng atensiyon ng ilang estudyanteng dumaraan. Tiningnan ko si Charlie tinanguan ko ito like telling her everything will be alright. Kilala ko kasi ang babaeng ito, mainitin ang ulo nito baka bigla na lang nitong suntukin si Ace.
"Claudette tell me that you are not breaking up with me!.." Nanlilisik ang mga mata nitong sabi.
"We are done Ace!. Kaya bitiwan mo--
"Bitiwan mo ang girlfriend ko!.." May malakas at dumadagundong na boses ang biglang sumabat sa aking likuran. Nang tuluyang makalapit malakas na tinulak nito si Ace kung hindi ito maagap baka sumadsad na ito sa lupa. Pumunta ito sa harap ko at hinarang niya ang katawan sa pagitan namin ni Ace. Parang bigla nagkaroon ako ng shield sa katauhan nito.
"Sino ang lalaking yan Claudette?" Singhal ni Ace.
"My name is Zandro at wala kang karapatang hawakan o sigawan ang girlfriend ko." Matigas na sabi ni Zandro.
"Boyfriend? What is this guy talking about Claudette?" Namumula na sa galit si Ace. Palipat lipat lang ang tingin nito sa akin at kay Ace. Nakatulala ako hindi pa nagsisink in sa isip ko ang nangyayari. Marami na ring estudyante sa paligid namin nagbubulungan at nakikiusyuso. Tiningnan ko si Charlie nakikiramdam lang ito, hinawakan pa nito ang kamay ko.
"Claudette!..Anooooongggg ibig sabihin nito!!?" Malakas na sigaw ni Ace.Gumalaw pa ang panga nito sa tinitimping galit. Kumuyom ang kamao nito.
"Wag mo akong sigawan!..Damn you! I have nothing to explain to you as far as I am concerned last week pa tayo hiwalay!" Sagot ko ng makabawi na ako sa nangyayari.
"You heard my girlfriend? Kaya kung pwede layuan mo na siya!" Si Zandro.
"Boyfriend mo ba ang lalaking ito Claudette?" Galit na tanong nito.
Natahimik ako. God anong isasagot ko? Kaninang umaga ko lang nalaman na nagkaboyfriend ako kagabi tapos heto ngayon kokonpirmahin na kung boyfriend ko nga ba ang lalaking nasa harap ko. Dumami na ang bulong bulungan. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawang lalaking nasa harap ko. Si Ace namumula na sa galit at ang isang lalaki naman sa harap ko ay kampanting nakatayo pero handang promotekta anytime na kailangan ko ng proprotekta sa akin.
"Ye- yes. He is my boyfriend." Mahina at pikit mata kong sabi pero sapat na para marinig nila ito. Mas mabuti na ito ang pinili kong sagot para layuan na ako ni Ace at wag ng guluhin pa. Hinawakan ni Zandro ang aking mga kamay, sobrang liwanag ng mukha nito kababakasan ng kasiyahan. Samantalang naggalawan naman ang mga muscles sa mukha ni Ace. I just want to end this show marami na kasing tao nakapalibot sa amin.
"Hindi pa tayo tapos Claudette!" Pagbabanta pa nito bago tumalikod.
"Noooooooo!.. This is not really happening!..Sigaw ng babaeng isa sa mga nakikiusyuso. Humagulhol ito ng iyak. Emotional itong lumapit sa amin.
"Tell me Zandro... This is not real right? Hindi mo girlfriend ang malanding babaeng yan?" Umiiyak nitong tanong.
"I am sorry....Mia." Hinging paumanhin ni Zandro.
BINABASA MO ANG
Claudette: The Campus Whore
General FictionBinansagan nila akong tuition girl, syota ng bayan, kabit ng mayayaman at babaeng mang aagaw... I don't give a fucking care of whatever they called me not until I meet a guy who make my heart beat so fast but he called me... "The fucking campus whor...