Minsan oo minsan hindi 🎶🎶🎶
Minsan tama minsan mali🎼🎻
Umaabante, umaatras🎤🎤🎤
Kilos mong namimintas🎵🎵🎵
Kung tunay nga ang pag-ibig mo
Kaya mo bang isigaw🎶🎶🎶
Iparating sa mundo🎵🎵🎤🎵Isang malamyos na love song ang kinakanta ni Channel ang babaeng lead female singer ng grupo ng banda na binubuo nila Dexter. Guitarist ito at minsan lead singer din. Nasa music room kami ng bahay nila Kenneth they've been practicing whole day today. Nagpeperform naman sila every Friday and Saturday sa isa sa mga high end bars sa Timog at minsan naman sa Makati. Heto ako ngayon nakikigulo sa grupo nila pero pag ganitong seryoso sila sa pageensayo tahimik lang akong nakikinig sa kanila, like now I am comfortable laying here on the couch nakataas pa ang isang paa ko habang inaaliw ko ang sarili ko sa pagpapalubo sa bubble gum na nginunguya ko. I'm wearing a white mid riff camisole that shows off my flawless belly and a high waist maong short which displays my long legs and firm butt and a brown leather boots with 3 inch heels which kinda emphasized my calves.
Si Dexter at ang grupo nito ang madalas kong kasama pag weekend. Mag-isa lang ako sa bahay ko at ayoko magmukmok. I hated to be alone it makes me feel so sad. Pag nag-iisa ako kung ano-anong malulungkot na bagay ang naiisip ko at ayoko yun. Mas gusto ko yung ganito maingay, magulo at yung laging masaya. Narerelax ako pag ganitong kasama ko ang banda ni Dexter. Madalas akong kumbinsihin ng mga ito na sumali na rin sa grupo ng banda nila but I flatly refused their offer. Hindi dahil sa wala akong talent but because I hate it to be the center of attraction. I hate it when people are looking at me and the way I dressed up hindi maiwasang punahin nila ako. But it didn't bother me anymore. This is me, accept me or not I don't give a fucking care!
Kasalukuyan akong nasa ganung ayos ng biglang bumukas ang music room nila Kenneth. Iniluwa nito ang naka uniform na katulong. Tinawag nito si Kenneth at may sinabi ito dito. Tinanguan naman ito ni Kenneth at pagkatapos bumalik na ito sa gitna ng music room kung saan nandoon ang mga instrumento ng banda nito. Maya't-maya ay bumukas ulit ang pinto. Hindi ko na pinagkaabalahang tingnan pa ito. Busy ako sa pagpapalubo at pagnguya ng bubble gum.
I rolled my eyes ng may bulto ng lalaking tumayo sa aking harapan. Nakatingin ito ng masama sa akin at sa paa kong nakapatong pa sa armrest ng sofa. Hindi ko ito pinansin. I don't give a fucking care as I am not interested to give a glance to him. Napailing ito ng makita nitong di ako tuminag at parang balewalang ipinagpatuloy ko ang pagpapalubo at pagnguya ng bubble gum.
"What's up buddy? What brings you here guys?" Si Kenneth.
"I am here to see my girlfriend." Si Zandro.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Kenneth pati ang mga kasama nito sa banda kasama si Channel ay napalingon na rin. Walang kaalam alam ang mga ito na may bago na naman akong boyfriend dahil wala pa akong pinapakilala sa kanila. Nagkibit balikat lang ako.
"And how about you Rich what brings you here? It's a surprised to see a busy gentleman in my house." Narinig kong sabi pa ni Kenneth.
"I honestly don't know why I am here. Pinilit lang ako ni Zandro na samahan siya dito." Masungit na sabi ng lalaking may malamig at baritonong boses.
Goshhh! Nakaramdam ako ng ghost bumps. Bigla ko tuloy nilingon kung sino ang lalaking nagmamay ari ng baritonong boses na yun. Tinaasan ako nito ng kilay ng magtama ang aming mga mata. Parang bigla akong nakaramdam ng spark at nakakita ng fireworks. Grabe sobrang gwapo niya! Hindi ko namalayan na para akong tangang nakatingin sa kanya. Namula ako ng pumutok ang bubble gum sa mga labi ko at natakpan pa nito ang bahagi ng ilong ko. Nakita ko ang pag smirk niya. Pinasadahan ako nito ng mabilis na tingin. Nagsalubong ang mga kilay nito kasabay ng pagsimangot ng mapagtuunan nito ng pansin ang aking kasuotan. Kung kanina kampante akong nakahiga at sakop ko ang buong sofa ngayon naman bigla akong napatuwid ng upo at parang gusto kong hilahin pababa ang aking white camisole upang matakpan ang bahagi ng aking tiyan na dati wala akong pakialam kung makita man o hindi.
"Hahaha! Gaya ka pa rin ng dati Richard Alvin Emerson." Tumawa pa ng malakas si Kenneth at binigyan nito ng mahinang suntok ang tiyan ng lalaking kasama ni Zandro.
Parang biglang gustong tumulo ng laway ko ng mapunta ang mga mata ko sa tiyan nito. He's wearing a fitted white t-shirt na bakat na bakat ang ABS nito. Parang gusto kong lumuhod sa harap nito at magmakaawang pahalikin ako o pahaplusin man lang sa ABS nito. Pinilig ko ang aking ulo. Bigla kong kinastigo ang aking sarili sa malandi kong isipan. Damn! Ano bang nangyayari sa akin? Wala pang lalaking nakapagpainteres at pumukaw ng libido ko sa katawan. May mga naging boyfriend ako na may mga ABS din pero di ko man lang pinag interesang hawakan o tingnan ito.
"How are you doing this days Kenneth?" Tanong nito kay Kenneth pero ang mga mata nito sa akin pa rin nakatingin na para bang pinag-aaralan nito ang bawat kilos ko. Napatda ako ng may umupo sa tabi ko at biglang umakbay. Parang bigla akong mapapa eww sa ginawi ni Zandro at gusto kong itulak ito palayo sa akin.
"Why are you not answering my call Claudette?" Malumanay pero halatang galit ito.
"Just busy!" Tamad kong sagot dito sabay kibit balikat.
"Busy on what Claudette?" Mariing tanong nito.
Tinitigan ko si Zandro. "Don't ask me a question that I am too lazy to answer Zandro!" Patamad akong tumayo at iniwan ito sa sofa. Hinanap ng mga mata ko si Dexter nasa gitna pa rin ito ng music room at seryosong pinag aaralan ang piyesa ng kantang tutugtugin nito. Tatanungin ko ito kung anong oras ito matatapos balak kong magpasama ditong magdinner sa labas.
Ewan kung anong pumasok sa utak ko at sinadya kong sa harapan ng lalaking tinawag ni Kenneth na Richard dumaan. Sinadya kong gandahan ang galaw ng aking balakang. Trying hard akong kumembot ng sexy. Christ! Di ko pa ito ginawa sa tanang buhay ko. Lokong Richard na ito at nailalabas ko ang tinatago kong landi mapansin niya lamang. Sinadya ko pang ayusin ang buhok ko and turn it to the other side ng mapatapat ako sa kanya. I know I have a perfect shape of neck at gusto kong gamitin yun to seduce this guy name Richard! Lumiyad pa ako ng diretso ng makalagpas ako sa kanya. Gusto kong mapansin niya ang sexy kong pang upo at likuran. Napapailing ako sa kalandiang pinaggagawa ko.
Ng makarating kay Dexter at kinausap ko ito tungkol sa pakay ko siniguro ko pa rin na sa gilid ng mata ko nakikita ko ang bawat kilos ni Richard. Laking pasalamat ko na ang music room ng bahay nila Kenneth ay napapalibutan ng salamin kaya nakikita ko rin ang kilos ng lalaking bigla na lang nagbigay ng kulay sa araw ko ngayon. Napangiwi ako ng makita kong nilapitan ito ni Channel at walang sabi sabing pinulupot nito ang mga kamay sa mamuscle na braso ni Richard. PUTEK!! tinalo pa ako ng Channel na yan sa kalandian ahh. May parte ng utak ko na nag uutos na sugurin ko si Channel at hilahin ang buhok nito at isigaw dito na "Akin lang ang lalaking ito!"
Nagbibiro si Dexter sa akin pero di ko ito napagtutuunan ng pansin dahil ang buong atensiyon ko ay nasa lalaking nagpalaglag ng panty ko! Ang kati-kati sa tenga marinig ang bawat halakhak ni Channel. Napapasimangot ako dito bruhang ito kahit wala namang nakakatawa!.
Pagtingin ko sa kanang bahagi ng salamin nag-uusap si Kenneth at Zandro habang tinutulungan naman ng huli ang pagsasalin ni Kenneth ng red wine sa dalawang kopitang hawak hawak nito. Nakaramdam ako ng panibugho ng ngumiti si Richard kay Channel. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng inis at selos. Si Zandro ang boyfriend ko at hindi ang lalaking tinawag na Richard. Pero bakit ako nakakaramdam ng paninibugho na feeling ko pagmamay-ari ko si Richard.
Padabog kong binitawan ang gitara ni Dexter at mabibigat ang hakbang na pumunta ng rest room. Naghilamos ako pagkatapos kong umihi. Pinasadahan ko ang sarili ko sa salamin. Nagpahid ako ulit ng pulang lipstick kahit mapula pa ang aking mga labi. I'm addicted to a red lipstick. Hindi ko alam kung bakit tuwang tuwa ako pag mapulang mapula ang labi ko. Malalantik at mahahaba ang aking mga pilik na paborito kong lagyan ng blue mascara. Konting blush on lang nilalagay ko dahil normal na pinkish ang aking mga pisngi. Mahaba naman at konting curl sa dulo ang aking buhok. Pinaghalong golden brown at red ang kulay ng aking buhok. At nagyayabang naman sa kasexihan ang aking katawan. Napangiti ako sa salamin bago ako umikot at pinasadahan ng huling tingin ang aking sarili bago ako nagdecide na lumabas na ng CR.
"It took you forever para mag CR lang miss." Supladong sabi ng lalaking nasa labas ng toilet at halatang bagot na bagot sa paghihintay sa akin.
"Hah?" Nakanganga kong sabi. Halos magsitalunan ang malalanding hormones na meron ako sa aking katawan ng mapagsino ang lalaking nasa harap ko at naghihintay. Nanuyo yata ang mga labi ko, kaya di ko maiwasang basain ito sa pamamagitan ng dila ko.
"Are you trying to seduce me?" Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Sorry it won't work!.. Surely you're not my type!.."
BINABASA MO ANG
Claudette: The Campus Whore
General FictionBinansagan nila akong tuition girl, syota ng bayan, kabit ng mayayaman at babaeng mang aagaw... I don't give a fucking care of whatever they called me not until I meet a guy who make my heart beat so fast but he called me... "The fucking campus whor...