Friendship 1

6 1 0
                                    


Flora

"Aba jay iba nanaman yan kasama mo ah! Kahapon maiksi buhok tapos ngayon mahaba naman ang buhok bigaten ka talaga" rinig naming sigaw ng kapitbahay niya. Lagi naman silang ganyan kaya wala na kaming pakealam, we both used to hear some 'weird' commentating about us. Since we've been together people think that we are dating. Like eww.

"Hanggang kailan mo balak magpanggap na dyowa ko?" Pabirong sabi nito. Inirapan ko lang siya saka binuksan ang gate ng bahay nila. Agad na sumalubong sakin ang bunsong babae at lalaking kapatid nito.

"Hi ate faye!!!" Nakangiting bati sakin ni trix saka bumeso. Nginitian ko rin ito ng matamis.

"Parang lumalaki na baby girl ko ah" sabi ko dito.

"Syempre naman ate big girl na kaya ako" sabi nito saka lumingon sa kuya niya.

"Lalabas lang ako kyah kayo na muna ni ate faye bahala sa bahay!"

Saka naglakad palabas ng bahay ngunit sumilip muli ito.

"Ay ate guide mo naman ako sa flute mamaya, hindi ko maintindihan yung notes na binigay ni kuya mac kanina" pahabol pa nito.

"Sige sige may aaralin rin akong bagong kanta" sabi ko dito saka ito kinindatan.

"Ateee Fayeee ang ganda mo pero inisnob mo ako" bati ng bunso naman nito. Kanina pa pala ito sa gilid ko. Kinurot ko nalang ang matabang pisngi nito.

"Nathy ang cute cute mo" sabi ko dito saka hinalikan sa pisngi na agad na kinamula nito.

"Parang ikaw ang kapatid ng mga kapatid ko eh nuh?" Sabi nito. Nginitian ko lang ito ng pang-asar.

"Wala eh, baka ampon ka talaga haha" sabi ko dito saka naupo.

"Lels. Dito na muna tayo, antayin nalang natin dito si Jin" sabi nito saka humiga sa gilid ko.

Tahimik lang itong nakapikit habang ako naman ay pinapanuod si nathaniel sa paglalaro nito.

Maya maya pa ay binasag nito ang katahimikan.

"So kamusta paghahabol mo sa ex mo?" Tanong nito sakin. Sinamaan ko ito ng tingin, para namang hinabol ko yung lalaking yun, duh.

"Excuse me. Hindi ako naghahabol nuh" sabi ko dito saka umirap sa ere.

"Ay oo nga pala, kamusta pagrerebelde mo? Napansin ka ba ng ex mo?" Sabi nito.

"Siraulo. Hindi naman ako nagrerebelde" sabi ko dito. Well,

"Hindi raw. Balita ko nga nagyosi ka nung isang araw. At nilalandi mo pa si ivan" plain na sabi nito. Alam ko na deep inside galit na ito.

"Kung ang pagyoyosi pala ng sabay ay naglalandian anong tawag sa mga naglalap lapan lang dyan sa kanto? Nagsesex? Ganun? Wala ka talaga eh nuh" iritang sabi ko dito. Sasagot pa sana ito ng dumating na yung isa pang siraulo.

"Lul, nakita ko kayo ni ivan naglalaplapan, sabi ko sayo jay wag kang tatalikod dyan sa dalawang yan may milagrong ginagawa hahahaha" sabi nito. Pang-asar talaga itong gago nato. Nilalaglag ako. Tinignan ko yung katabi ko na nakatayo na pala at nakatingin sakin ng masama sabay sabing.

"Mahuli ko lang talaga kayo ipapalunok ko sa inyo yung yosi" nakakatakot na sabi nito. Napalunok nalang ako at sinamaan ng tingin ang siraulong sumbungero na katabi ko. Taena. May araw ka rin saakin.

***

"Teka nga jay! San ba tayo pupunta? Taena naman kanina pa tayo lakad ng lakad" reklamong sabi ko dito.

Sabado ngayon, kaya heto kompleto kami. Kaninang bago kami umalis sa bahay nila ay nasermonan nanaman ako ni Father Jay!!!! Kesyo ! Bakit naman kasi lumingon pa ito nung nagyoyosi ako? Edi sana pinapansin ako nitong kolokoy na itoooo. Tapos ito namang kasama naming isa tawa lang ng tawa. Palibhasa legal ang pagyoyosi kaya ako lang napapagalitan. Tsk.

"Oy jay! Zup!" Bati samin ng--teka si ivan toh ah.

"Oy Ivan, tangna hindi ka sumipot nung nakaraan nag-aantay kami sayo dala mo alak gago to" sabi ni jin habang pasuntok suntok pa. Napaka isip bata. Tch.

"Gago pre nagtext gf ko nun eh" sabi nito.

"May gf ka pala? Hindi halata. Nilalandi mo pa tong bespren ko siraulo" singit bigla nitong lalaking ayaw mamansin. Napakaseryoso talaga.

"Gagi walang kaming relasyon diba faye?" Sabi nito saka kumindat kindat pa. Inirapan ko lang ito. Hindi ko rin kasi alam na ang kalandian ko ay may gf din tae yan.

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FRIENDSHIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon