ⓕⓞⓤⓡ♥

47 5 0
                                    

"Ah-eh. Kumain ka na ba baby?" Iniba ko na lang 'yung topic dahil hindi ko talaga alam ang isasagot! Hay nako, ewan! Baka imbento lang ni Mikhai 'yung sinabi nya kanina.

"Hindi pa nga po mimi eh. Sabay ka samin ni dada plith?" Sa ka cute-an nya makakatanggi pa ba ko?

"Si-sige baby ^___^"

"Yey! Eto na ang pinaka masayang dinner ko!" Aw. Bigla akong nakaramdam ng awa nung maisip kong wala na nga pala ang mga magulang nila. "Matagal tagal na rin kasi nung nakumpleto po kami, mimi. *sigh* sana po umuwi na si mommy." A-akala ko wala na silang parents?

"Teka, asan 'yung mom mo?"

"Wala na po sya. Nasa america na po sya kasi she need to work for me and dada." Hala! Akala ko naman! Uwaaah! Kung sino man po 'yung mom nila, sorry po talaga!

"How 'bout your dad?"

"Hindi ko po alam eh. Tara mimi, eat na tayo. Tatawagin ko si dada. Mimi, can you cook? Day off kasi ang mga maids po." Sabi nya at umakyat sa taas. Eh? Hindi ako sanay T_T Adobo at ginisang gulay lang ang alam kong lutuin

Maya maya bumaba na sila ng hagdan. Tinignan ako ng masama ni Kean at dumiretso sa kusina. Pagdating namin doon.

"Mimi! Ano po lulutuin mo?"

"A-ako? Uhm. Gulay?"

"AYAW!!" Sabay na sabi ni Kean at Mikhai. Wow ah! Ka shock!

"Hala bakit naman?"

"Eh kasi po, ayaw ni dada sa gulay kaya ayaw ko rin po."

"But baby, vegetables are good for your health."

"Hindi naman masarap. Tss!" Singit ni Kean.

"Heh! Ikaw may kasalanan kung bakit ayaw kumain ng gulay ni Mikhai! TSS!"

"Pangit kaya ng lasa, katulad mo, pangit din." =__=

"Dada! Niaaway mo na naman si mimi!"

"Lalakero kasi sya. Bf bf pang nalalaman -_-" gusto kong asarin sya at itanong kung nagseselos sya pero alam ko namang kaya ganyan sya ay dahil mahalaga sa kanya si Mikhai at ako ang mimi ni Mikhai kaya gusto nya maging masaya si baby dahil samin.

"Bestfriend ko lang nga kasi 'yon!" Sa huli, hindi pa rin nya pinakinggan 'yung paliwanag ko at nagluto na lang ako ng adobo. Pagkatapos nun, pinatulog ko na si Mikhai at pumunta ko sa kwarto ni Kean. Hindi man lang marunong mag lock ng pinto -.-'

"Hoy!" Tawag ko sa kanya.

"Ano?!"

"Bf means boy friend or lalaking kaibigan."

"Ewan ko sayo. Lalakero ka."

"Ugh! Ang kulit mo!"

"Lalakero!"

=_______=

"Sorry na kasi." Nasabi ko na ba sa inyong ako 'yung tipo ng taong handang magbaba ng pride basta alam kong may kasalanan ako? Ayaw ko kasing lumaki pa 'yung gulo.

"Tss."

"Wala talaga akong boyfriend, promise. Bawal pa kasi."

"Psh!"

"Shuri na!"

"Lalakero!"

=___=

"Ano bang gagawin ko para mapatawad mo ko?! =__="

"Pakasalan mo ko..."

ANO DAW?! O_O

P-A-A-S-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon