Kabanata 1
(Leng-leng's POV)
Hi! Ako nga pala si Selena Gomez na isang manananggal. Actually, half-manananggal, half-tao ako. Manananggal ako na pang-Hollywood ang pangalan. Sosyal di ba? Marissa Gomez kasi pangalan ng mama ko. Nakiuso siya sa name nung ex ni Justin Bieber. Haha. Kahit manananggal kami, tsikadora't mahilig kaming manuod ng tv noh. Tsaka, may internet kaya kami sa bahay. 21st century na kaya ngayon. Hindi na kami yung mga old generation na mga manananggal nuh. Nakikiuso na kami sa mga kapitbahay namin para hindi na nila kami madaling paghinalaan.
Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ako ipinangalan ni mama sa papa ko? Kasi naman, umibig siya sa isang tao na in the end, hinalay lang siya. Sad nuh? Hindi inilihim ni mama ang totoong nangyari sa kanya para hindi na ako matulad sa sinapit niya. Pero kahit kami lang ng mama ko, super happy ko nuh. Super love kaya ako ni mama kahit isa lang akong bunga ng pagkakamali. Tsaka, dahil nga sa sinapit ni mama, hindi na ako nagtitiwala sa mga tao, exept sa isang tao na naging kaibigan ko. Hmmp, there is always an exemption to a rule di ba?
"Leng-leng!"
Oy! Tinawag na naman ako ni mama sa pangit kong palayaw. Nasa kwarto kasi ako't nagmumuni-muni. Super happy ko kasi't nagka-story na rin kaming mga manananggal. Hehe. Puro nalang kasi werewolves at bampira ang nababasa ko. Eh wala namang ganyang mga nilalang dito sa Pilipinas nuh. Pero crush ko si Edward Cullen. Yeeih! Kilig Much! Mga uri lang namin at tsaka mga pesteng mga aswang ang naririto sa Pinas nuh. Bakit peste sila? Akala niyo siguro na mga kamag-anak namin yang mga aswang? Hindi nuh! Never! Ever! Sila kasi ang dahilan kung bakit hina-hunting ng mga tao ang mga kauri kong manananggal. Hindi naman talaga kami ang nambibiktima sa mga tao kundi ang mga aswang. Sabagay, pareho kasi kaming may mga pakpak pero duhh! Never kaya kaming magkapareha ng face. Pumapangit kasi sila kapag nagkapakpak. Haha. kami, as beautiful as ever pa rin kahit hati. Uo hati. As in half. Kaya nga mananggal di ba?
"Andiyan na po mama."
Hehe. Kainan na. Ano kaya ang ulam? Bituka ng tao? Puso? Utak?
Hindi joke lang. Kumakain naman kami ng mga kinakain ng tao kaya lang hindi pa rin namin maiwasan ang nature naming manananggal. Kahit anong gawin namin, natatakam talaga kami sa mga karne at lamang-loob. Kaya nga pagdating ko sa kusina, naglaway na agad ako sa inihahain ni mama. As in literal na naglaway. My favorite, Ginataang Atay ng baboy. Haha. Never pa siguro kayong nakatikim nyan. In fairness namin ni mama, luto ang gusto naming kainin at hindi raw.
Nagsimula na kaming kumain ni mama. At dahil diyan, it's tsika minute time! Ganito talaga kami ni mama, sa harap ng pagkain kami nagbobonding.
"Nabalitaan mo na ba Leng na may nahuli sa Sta. Rita na isang manananggal?" pagtatanong ni mama habang panay ang nguya.
Aba't hindi ko nabalitaan yon ah. Nag-Facebook naman ako kaninang umaga ah. Ba't hindi na post doon?
"Talaga mama? Sino raw at bakit siya nahuli? Eh di ba, dobleng ingat na naman ginagawa nating mga manananggal?" balik kong tanong kay mama habang panay rin ang nguya.
Hehe ganito kami mag-usap ni mama kapag nasa harapan ng pagkain, hindi tumitigil kahit nagsasalita. No etiquette ba kamo? Pakialam ninyo eh wala naman talaga kaming manners kapag kami-kami lang rin ni mama ang magkasamang kumakain. Tsaka, hindi kami nabibilaukan nuh. Talent na naming mga manananggal yan.
"Si Rommel daw 'nak. Yung dating nahuli na naninilip sa iyo noong sa Sta. Rita pa tayo nakatira. Yung kuya ng lagi mong kalaban na si Rina." Sagot ni mama.
Aba't, papaano ko makakalimutan ang hinayupak na lalaking iyon? Eh sa siya lang naman kasi ang unang-unang nakamalas sa taglay na kagandahan ng aking katawan noong naging ganap na akong dalaga? Nag sight-seeing ba naman sa banyong nililiguan ko. Paano naman kasi ang mga banyo sa probinsya namin, puro walang bubong. Lumipad ba naman sa itaas ng banyo namin ang walang hiya na Rommel na iyon habang naliligo ako? Unbelievable! Mabuti kamo't nahuli ni mama at mabuti rin sa kanya na si mama ang nakahuli sa kanya at hindi mga tao. Hahaha. Swerte siya noon, pero ngayon, minalas na siya. Nag sight-seeing ulit siguro kaya nahuli.
BINABASA MO ANG
A certified manananggal love story
FantasyNot the typical love story. Not the usual story. Unleash and you will know that there is "A certified manananggal love story."