Kabanata 2
(Leng-leng's POV)
Sa Sta. Rita, 10 years ago.
Umaga noon at tanging mga manananggal lamang ang mga nakatira sa bayan ng Sta. Rita
Masaya akong nakikipaglaro ng bahay-bahayan kay Leo noon na dalawang taon ang tanda sa akin. Sampung taong gulang ako noon. Sa bata kong edad, may crush na ako sa kanya. O sige na, ako na ang malandi. Eh sa ang gwapo talaga niya eh. Bata pa ako pero alam ko na ang pagkakaiba ng mukha ng mga gwapo sa pangit. Hindi naman ako anti-pangit kasi hindi rin naman ako kagandahan. Hindi tulad ng ibang mga mananggal. Half-breed kasi ako kaya medyo di kaaya-aya ang aking pagmumukha. Pero kahit na ganun, nakipagkaibigan pa rin sa akin si Leo na anak ng aming Supremo. Kung sa England pa kami nakatira, siya ang aming prinsipe.
Si Leo ang itinuturing kong matalik na kaibigan at siya rin naman sa akin. Kasalukuyan niya akong kinukulit kung ano talaga ang nangyari sa akin noong nakaraang kabilugan ng buwan.
"Leng-leng, sabihin mo na sa akin kung bakit biglang nahati ang katawan mo noong bumilog ang buwan at kung bakit ang tagal mong nakabalik. Sige na. Please?"
(F.Y.I., siya ang nagsimulang tumawag sa akin sa napakasagwang nickname ko na iyan. Pero dahil siya ang nagbigay, ok lang sa akin.)
Nagmamakaawa na si Leo sa akin ngayon na kwentuhan ko siya sa nangyari sa akin noong kabilugan ng buwan. Sasabihin ko ba? Eh ang bilin sa akin ni mama ay wag na wag ko raw sabihin kahit kanino.
Tiningnan ko ulit si Leo. Syet namang pagmumukha niyan oh. Bat ang gwapo, hindi ko matanggihan. Lintik naman kasi tong kalandian ko't hindi bumagay sa mukha ko. Ako pa tong di-kagandahan, ako pa tong malandi. Teka lang, grabe naman akong makapanlait sa sarili ko, kay Leo lang naman talaga ako malandi. Tsaka, lumalandi ako sa isip ko lang. Hmmmpp.
"O sige na nga. Ikukwento ko sayo pero promise mo na secret lang natin to ah." Paghingi ko ng assurance kay Leo na hindi niya ipagsasabi kahit kanino ang totoong nangyari sa akin noon.
"Oo promise Leng-leng." Sumumpa si Leo sabay taas ng kanyang kanang kamay at nag cross-my-heart sign pa siya. Tanda ng kanyang buong pusong pagbibigay ng assurance sa akin.
Tatlong araw bago ang kasalukuyang pag-uusap namin ni Leo.
Mag-aalas syite na ng gabi noon. Inihahatid na ako ni Leo mula sa aming maghapong paglalaro sa aming tambayan. Madilim na ang paligid at kitang-kita na ang malaki at bilog na bilog na buwan. Bigla akong nakaramdam ng pangangati.
"Leo, kinagat yata ako, ang kati-kati ng buo kong katawan." Sabi ko kay Leo. Kinakamut-kamot ko ang buo kong katawan at bigla na namang sumakit.
"Aray Leo, ang sakit. Ang sakit-sakit," hinawakan ko ang pagitan ng tiyan ko at ng aking puson dahil doon nanggagaling ang matinding sakit.
Hindi maipinta ang mukha ko at hindi rin magkamayaw si Leo. Hindi niya alam kung paano pawiin ang sakit na nararamdaman ko nang biglang . . .
"Leng, ang katawan mo, ang pakpak mo. Tingnan mo." Natulala si Leo habang nakatingin sa akin.
Pagbuka ko ng mga mata ko habang ako'y abala sa pagkamot at pagpisil sa parte ng tiyan ko na masakit ako'y biglang nahintakutan. Humihiwalay na ang aking upper trunk sa aking lower body! Pati ang pakpak ko, lumalabas!
"Leo, anong nangyayari sa akin? Hindi ko maintindihan. Hindi ko makontrol ang katawan ko. Pati ang pakpak ko, pumapagaspas mag-isa. Leo, natatakot ako."
Umiiyak na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin. Ang pakpak ko ay may sariling utak. Lumilipad na ako pataas. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkapakpak. Lahat ng manananggal ay nagiging ganap na manananggal kapag umabot sa edad disi-otso. Pero sampung taon palang ako. Mama! Tulong. Pataas na ako nang pataas. Lumiliit na sa aking paningin si Leo.
BINABASA MO ANG
A certified manananggal love story
FantasyNot the typical love story. Not the usual story. Unleash and you will know that there is "A certified manananggal love story."