"Jen-jen, lika na! Tapos na yung tiara saka nakabungkos na yung santan. Hinihintay na tayo nila kuya Aldrin at Bam-bam.."
"..Teka muna, heto.. may dala akong cherry ball. Basain mo ng konti tas' pahidan natin ang pisngi mo para mapula. Pati lagyan mo yung labi mo, para kunwari likstip!" Excited na litanya ng bibong batang si Miray, akala mo totoo ang pinaghahandaan samantalang laru-laro lang naman. Sabagay, sino ba namang hindi maeexcite? nakabihis pa talaga ng pang alis sila Aldrin at Bam-bam na ang babango pa! naka-gel at pataas pa ang ayos ng buhok. Palibhasa, galing lang sa katatapos na misa.
***
"Maria Angela, tinatanggap mo ba si John Barron--ting!ting!ting!" naputol ang sasabihin sana ng batang pari ng makarinig ng tunog mula sa pinagumpog na kutsara't tinidor.
Ting! Ting! Ting!
"Oo na! Oo na. Hmm.. mukhang atat na ang inyong mga ninong at ninang--"
"Anong ninang?! Abay ako sabi eh!" Pagputol pa ni Miray."..sige!sige! You may now kiss da brayd!" May halong pagmamadali sa pinalaking boses ng batang pari.
Aktong hahalikan na ni Bam-bam si Jen-jen sa pisngi ng kumaripas ng takbo si Miray upang harangin ang nguso nito gamit ang sariling palad.
"Pekeng..p-pader.. hah! Este Jojit. Di mo ba manlang tatanungin kung may tumututol!?" Kahit hingal, ay nagawa pang magtaray ni Miray.
"Ano ba yan?! Minamadali nyo ko sa serimonyas tapos ngayon tuturuan mo pa ako? Pader ka ba? Pader!? Balik ka na dun!" Inis na sagot naman ni Jojit sa kanya.
Saglit na nagpakawala ng mga impit na bungisngis ang iba pang mga kalaro. Binelatan naman sila ni Miray pag balik nito sa tabi ni Aldrin.
"Mayroon bang tututol?" Ma-otoridad na sabi ng pari.
"Ak-ump! Ump-Hah! Ano ba?! Ako pader! Ako!" Nagsisisigaw na may pakaway-kaway ng kamay ni Miray.
Pinipigilan sya ni Aldrin gamit ang pagtakip sa bibig nito pero di talaga nagpapa-awat. Inirapan naman sya ni pader at hinintay ang paliwanag niya.
Ayan na naman ang kontrabida.. sabi ni Aldrin sa sarili.
Kabisado na kasi nito ang mga sasabihin ni Miray. Sa linggo-linggo ba namang paglalaro nila ng kasal-kasalan, ito ang parating tumututol."Umm.. ano. Kasi.. parati na lang silang dalawa ang ikakasal. Di ba pwedeng ako naman ang brayd?" Palakas na palakas na boses nito.
"Sige ba! basta ba.. si Bantay ang groom!" At sinabayan pa ng halakhak na sabat ni Aldrin. Na sinabayan na rin ng mumunting halakhak ng iba pang kasama, di na namalayan ang naudlot na kiss da brayd portion ng tawagin na sila ni lola Abeng para mananghalian.
*****
so ayun! hello to me. haha alm ko nman na konti or should I say wala namang magbabasa nito, and I I'm kinda not so baguhan in here ! pfft. ayun sana may makabasa ng story ko. ok lang kung di maappreciate after all its just for fun!
BINABASA MO ANG
Little Miss
Short StoryLife is full of surprises.. Also of second chances. A love story of childhood sweethearts.. Jen and Bam. But then they grew apart. Will they find each other again? Little Miss Written by: Minggyeu-chan #childhood #forever #lovewins #shortstory Plag...