Nauna ng umalis ang tatlo na hanggang sa pag-alis ay nagbabatukan pa rin at nagtatawanan. Tiyak na uuwing luhaan na naman si Miray ng dahil sa dalawang pang-asar na kalarong sina Aldrin at Jojit.
Samantalang nagpahuli naman ang dalawa: Bam-bam at Jen-jen at dumiretso sa park.
***
Habang naglalaro ng buhangin, mas dumikit pa ang batang lalaki sa kalaro dahilan para matumba ito.
Pinagpagan naman nito ang kanyang damit at hinayaang dalhin sya sa malapit na swing.
Habang dinuduyan ng marahan, itinigil ito ni Bam-bam at lumuhod sa harapan ng kasama. Tinanggal nito ang pinagdugtong na pulang santan mula sa palasing-singang daliri nito at pinalitan ng panibagong bulaklak sa kaparehas na uri ngunit ngayon ay kulay dilaw naman at nagsalita ng..
"Jen-jen, kahit awayin ka at paalisin bilang brayd ko, wag kang papatinag ah? Ikaw ang paborito kong brayd. At sana..ikaw ang maging tunay kong brayd in da pyutyur! Pramis?" At nilabas nito ang hinliliit.
Nagtataka man sa inaasal ng kalaro ay idinugtong din naman nito ang hinliliit sa nakaabang na daliri ng batang lalaki, at sumilay ang mumunting ngiti na nagpakita sa dalawang bakanteng ipin sa harapan.
"Sige..pramis din." Maya-maya'y tugon niya.
"Oo nga pala.. di natuloy yung 'kiss da brayd!'
At hinalikan na nga nito si Jen-jen sa kanang pisngi.
"..hayan! Wala nang bawian yan ah? Tara na!" Inalalayan pa nito sa pagtayo sa duyan ang kalaro at saka magka-hawak kamay na tumakbo papunta sa mga kaibigan.
Lumipas ang ilang linggo matapos ang araw na 'yon ay hindi na muli pa nilang nakalaro si Bam-bam.
Nalaman nya mula sa kalarong si Aldrin na lumipat na raw ito ng iskwelahan pati na rin ng tirahan.
Bahagya pa syang nagtaka at nakaramdam ng tampo dahil higit sa kanila ay sya ang madalas na kasama nito ngunit sya lang ang di nakaka-alam ng kanyang pag-alis.
Palibhasa'y siyam na taon pa lang kaya binuhos na lang nya ang atensyon sa iba pang mga kalaro.
At sa twing naiisip ang kalaro, maluluhang konti pero mapapangiti kapag naisip nya ang mga huling sinabi nito sa kanya..
'Sana..ikaw ang maging brayd ko in da pyutyur! Pramis?'
Paminsan pag napapadaan sa park, saglit na titigil at titingin. Nagbabaka-sakaling naroon lang si Bam-bam at masayang nakikipaglaro. Ngunit sa lahat ng pagkakataon na magagawi sya roon ay walang matabang batang naglalaro at patakbo-takbo sa lugar. Na sa paglipas ng panahon ay kanya namang nakasanayan.
BINABASA MO ANG
Little Miss
Historia CortaLife is full of surprises.. Also of second chances. A love story of childhood sweethearts.. Jen and Bam. But then they grew apart. Will they find each other again? Little Miss Written by: Minggyeu-chan #childhood #forever #lovewins #shortstory Plag...