MAGANDA KA

6 0 0
                                    

"Maganda ka"
By Man-wol5 (A.G)

Maganda ka
Maniwala ka
Wag kang papa' apekto sa...
Sinasabi ng iba

Hindi makinis ang balat mo tulad nila
Hindi ka kasing puti kagaya niya
Hindi ka man pasok sa panlasa ng iba
Hindi ibig sabihin nun hindi ka na MAGANDA

Ang basehan ba ng pagiging Maganda
Ay sa haba ng pilik Mata ?
O Kung saang lahi ka nag mula ?

Pag babae ka ... Kailangan ..

Unat ang damit mo ulo hanggang paa
Madulas ang buhok mo kagaya ng isang prinsesa
Maayos at dahan-dahan sa pananalita
At kung ano-ano pa

Hindi ito isang kautusan
Pero isang tungkulin
Na nag silbing marka sa bawat kababaihan
Sa pag daan ng mahabang panahon

"Kung umasta akala mo hindi babae"

Linyahan ng mga taong akala mo ay perpekto
Pati sa buhay ng iba ay problemado
Hindi naman kami isang manika
O isang kagamitang de'makina

Na pwede mong diktahan sa kung ano ang tama o mali
Kung ano ang pwede at hindi
Hindi niyo kami pag-aari

"Galaw, ayos at pananamit
Hubog ng katawan at mukhang ka'akit-akit
Makinis at maputing balat"

Wag tayo maglokohan
Hindi bat yan madalas ang basehan
Para makakuha ng respeto at maayos na trato  sa ibang kalalakihan?

Gusto namin ng respeto
Pantay na trato
Hindi pang gagago
At mas lalong hindi panlalait dahil sa pisikal naming anyo.

Kaya binibini sa akin makinig ka
Maganda ka
Huwag mong hayaang apakan ka nila
Hindi mo kailangan ng komento na galing sa kanila

Hindi mo kailangan baguhin ang sarili mo
Para magustuhan ka ng mundo
Tandaan mo sila yung problema wala sayo

Huwag mong ikahiya
Yung meron ka
Hindi mo kailangan maging "SIYA"
Para matawag na maganda.

MAGANDA "KA"










Tula - My Collection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon