AKO

7 0 0
                                    

"Ako" 

Tatlong  letra
Dalawang pantig
Isang salita
Na parang hindi ko kilala

Bakit nga ba ako ganito ?
Bakit parang iba ako sa kanila
Hindi naman talaga ako mahalaga
Sadyang  kaylangan lang nila

Hangad ko lang naman eh yung
Ako ay maging masaya at maramdamang
Ako ay mahalaga ngunit bakit parang
Nakatadhanang ako ay mag dusa

"MAKUNTENTO" ito yung salitang mahirap pang hawakan
Lalo na't "ITO SILA " at " at "ITO LANG AKO " laging may pagitan
Sa bawat pag hakbang nag didikta sa bawat salita

Ayoko na .... Nakakapagod  na...
Yan yung salitang nais kong pag sigawan
Upang matapos na itong kalokohan,
Kalokohang nasa likod ng mapait na katotohanan

Katotohanang hindi naman talaga ako kamahal-mahal
At walang walang-walang kumpara sa iba
Ganun talaga mas lamang yung maganda

Mananatiling kalmado kahit na kabado
Sa gitna ng labanan sa loob ng silid aralan
Makikipag talastasan na ani moy makikipag patayan

Makikipag sabayan kahit Kay kamatayan makuha lang ang rangkong inaasam-asam
Nangunit bigo paring manalo kahit buhay ang sakripisyo

Pagkatapos ng madugong labanan
Uuwing talunan
At mag mumukmok sa likuran

Na animo'y tanggap ang katotohanan,
Ang masakit na katotohanan na isa talaga akong talunan

Talunan na isang laruan,
Laruan na pinapagana ng
Mapait na nakaraan

Binago ng mundong ginagalawan
Nakipag sabayan  sa mundong makasalanan
Sa mundong puno ng kasakiman

Pera isa sa pinaka malakas  na sandata na kung wala ka
Aapak-apakan at dudurog-durugin ka lang naman,
Ng mga taong Akala mo ay kagalang-galang talaga
Nangunit malahudas naman kung umasta

Ganyan sila kung makipag plastikan sa iba
Dinaig pa yung best aktor sa pelikula
Minsan mapapaisip ka talaga kung tao ba talaga sila
Dahil parang normal nalang sa kanila
Ang apak-apakan ang mas mababa sa kanila

Pero ganun talaga ... Wala kang magagawa
Dahil mapera nga sila

Bago ko tapusin ang magulong tulang ito
Na kasing gulo ng buhay ko "KUNG IKAW AKO KAKAYAYANIN MO BANG MAGING AKO?? AT KUNG MAGIGING IKAW AKO "

Ipag lalaban mo ba ang taliwas sa tingin ng iba
Ang pagpilitang hindi ka iba sa kanila, NA HINDI AKO IBA SA KANILA... Hindi man kagandahan wala mang kayaman na kayang ipag malaki sa iba
Ito ako eh...

UULITIN KO " KUNG IKAW AKO KAKAYANIN MO BANG MAGING AKO ??"

Tula - My Collection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon